Tiningnan ko ang maraming mga regalo na nasa sahig ng aking kwarto. Halo-halo iyon mula sa mga nagbigay. Tingin ko nga ay masiyadong mahal ang iba roon. Napatingin akong muli sa box na hawak ko. Hindi ko alam kung galing nga ba talaga ito kay Rafael Torrefiel pero hindi rin naman imposible. Baka nga ay sa kaniya tutal ay tinanong ko si Ford at tinanggi niya. Naupo ako sa sahig para masimulan nang mabuksan ang mga regalong iyon. Ang iba nga ay maaga pang dumating at mula sa malayo ang nagbigay, iyong iba ay pinadala na lang dahil hindi na nakadalo, katulad ng regalo ni Allison. Nagulat nga ako na pinadalhan niya pa ako. Sa kalagitnaan ng ginagawa kong pagbubukas ng mga regalong iyon, mayroong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Akala ko ay si Manang kaya naman tumayo ako at tinungo ang

