Hindi ko alam kung bakit ako nadadala sa mga banta ni Cyrus, na gusto niyang makipagkita mamayang gabi sa waiting shed. Alas-diyes. Gabing-gabi na iyon. Tiyak na magtatanong sina Senyora at Manang kung aalis ako nang ganoong oras! Buong araw akong tulala dahil sa mga sinabi ni Cyrus. Namamanhid yata ang dibdib ko at hindi ko lubos maisip na may nakakita sa amin ni Ford sa sasaglit naming pagsasama. Halos wala nga kaming ginawa. Iilang sandali ko lang hinawakan ang kamay niya. Paano na lamang kung hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa? Umuwi ako sa mansyon na lutang. Gusto ko sanang sabihin iyon kina Marshiela, Tina, at Princess. Pero hindi naman ako kinakausap ni Marshiela at hindi ko na rin nakita pa sina Tina at Princess pagtapos ng klase. Wala a

