Naging mahaba ang gabi. Hinahatid na namin ang mga bisita pauwi. Abala si Senyora sa pagpapaalam sa bawat bisita, bumebeso pa sa kaniyang mga amiga. Ako naman ay ngumingiti rin, nagpapasalamat sa pagpunta nila sa birthday ko. Ganoon din sina Marshiela na sabay-sabay nang uuwi at kasama sina Kuya Sean. Nagkaharap kami ni Cyrus patapos na ang party. Hindi niya na ako nakausap. Ang sama pa ng tingin niya. Hindi ko alam kung sadyang wala lang akong pakialam o dahil okupado ang utak ko kaya hindi ko na iyon inalintana pa. Bahala siya sa kaniyang buhay. Wala naman akong atraso sa kaniya. Bumeso ako sa mga bisita ni Senyora. Ang huling bisitang hinatid ay ang pamilyang Torrefiel, kaya naman nagkausap pa kaming muli ni Rafael Torrefiel bago sila tuluyang umalis. “Happy birthday ulit, Mi

