Si Ford ang nag-ayos ng lahat. Pagdating namin sa hotel room na nakuha, pinaupo niya ako agad. Inaasikaso niya ako at siniguradong maayos ako. Halos tulala pa rin ako at malalim ang aking iniisip. Though, I’m sure I’m not hurt anywhere physically. “Are you sure you’re not hurt?” paninigurado ni Ford. Tipid akong tumango. Naupo ako sa isang sofa at nasa mga balikat pa rin ang suit jacket niyang medyo nabasa na sa ulan. Hininaan niya agad ang aircon. Unti-unting nabawasan ang panginginig ko dahil sa lamig. Noong magkaroon ng lakas ng loob, hinagilap ko ang mga mata ni Ford at iyon na naman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Huminga ako nang malalim kasabay nang panlalabo ng mga mata ko sa luha. “C-Cyrus knows... they all know... ang tungkol sa ating dalawa, Ford,” panimula ko.

