Naghapdi ang dibdib ko sa marahang bulong na iyon ni Ford. Nanatili akong nakapikit sa sobrang pagod, ramdam ang mga nakakakiliti at maiinit niyang halik sa aking leeg at balikat. “Mahal kita...” Gusto kong sumagot, ngunit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay napipilipit sa aking dila ang mga katagang iyon. Lumunok ako at ramdam pa rin ang tila pagkakalutang ko sa ere dahil sa mga ginawa naming dalawa. Hindi na muli pang nagsalita si Ford. Niyakap ko siya at pagod na sinubsob ang sarili sa kaniyang dibdib hanggang sa tuluyan akong nakatulog sa mga bisig niya. Tahimik ang buong kwarto niya at tanging ang ulan sa labas ang naririnig, sinasabayan ng mga pagkidlat at kulog. Hindi ko alam kung sino ang unang nakatulog sa amin ni Ford. Ramdam ko pa kasi ang naglalaro niyang mga dali

