Mabuti na lamang at hindi malala ang tinamo ng paa ko. Nakakalakad pa rin naman ako pero mas maiging ipagpahinga pa rin nang ilang araw. Sinabi ko kay Parker na wala akong balak ipaalam kina Manang lalo na kay Madam Elora ang nangyari. Baka mag-alala lamang si Manang. At si Madam Elora naman, baka pagbawalan ako at sabihing kung lalampa-lampa ay huwag nang maglaro pa ng sports. Nag-uusap-usap sina Tina at Princess habang nasa canteen kami para sa panibagong araw ng klase. Tahimik ako at tulala. Pinoproblema ko pa rin ang article na gagawin ko tungkol kay Ford. Kailangan ko nang masimulan iyon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko kakausapin si Ford. Tinulungan niya na ako sa clinic. Hindi ba dapat mas madali nang kausapin siya ngayon? Kaya bakit ganito? “Ma

