“Substitute!” sigaw nila. Napikon na rin yata ang kaibigan ni Phoebe na kakampi ni Marshiela sa kakasigaw ng mga naroon na magpalit ng player dahil mukhang hindi ito marunong, pero mukha namang sinasadya lang na ipatalo si Marshiela. Umirap ito at tumabi na rin sa gilid ng court. Nagulat na lamang ako noong tumingin sa akin sina Marshiela na tila naghihintay. Pagtapos ay tinulak na ako nina Tina pababa ng bleachers. Lutang pa ako sa gulat ay nahila na ako sa court. Namalayan ko na lang ang sarili na naroon na sa team nila Marshiela. Pinalitan ko sa pwesto ang kaibigan ni Phoebe na kanina ay nasa kaliwang banda kung saan mas malapit sa bleachers kung nasaan ako kanina. Pagtingala ko, nakita kong kumakaway sina Tina at Princess. Napalunok ako. Hindi naman ako volleyball player. H

