Sweet Deborah Salvatierro Unti-unti akong nagkamalay at ang una kong naramdaman ay tila ba nakalutang ako sa ere. Gumalaw ako nang kaunti. Doon ko napagtanto na buhat-buhat ako ng kung sino. A pair of strong arms are carrying me effortlessly. Gusto ko mang magdilat nang maayos ay hindi ko magawa dahil na rin sa pagod. A manly scent, not too strong, filled my nostril. Halos katapat ng mukha ko ang kaniyang balikat at nararamdaman ko ang init ng kaniyang katawan, lalo na ang brasong nasa likod ng mga hita ko at ang isa pa’y nasa likod ko. I heard the click of the light switch. Sunod kong naramdaman ang lambot ng kama noong marahan ako nitong binaba. I moaned in comfort. Nawala ang init ng pagkakadikit ng matigas na katawan na iyon sa akin at pinalitan ng lambot ng kutsyon. Dumulas

