Nagpahinga muna kami ni Ford nang ilang sandali. Nanatili kaming magkayakap, at dahil parehong nanlalagkit, kailangan naming mag-shower ulit. Parehas pa nga kaming nagkatinginan sa pag-iisip na magsabay na lang kaming dalawa, pero sa huli alam naming mahihirapan na naman kaming magpigil, kaya pinili pa rin namin na maghiwalay sa pagsha-shower. Nauna na siyang mag-shower. Sumunod din naman ako. May suot na akong cycling at bra paglabas para isusuot ko na lamang ang damit ko. Magba-brunch na lang kami sa hotel restaurant. Pagtapos ay mag-che-check out na. Para hindi na rin kami gabihin pagbalik ng San Luciera. “You’re gonna wear a dress?” tanong ni Ford na nasa sofa. Nagsusuot na rin siya ng t-shirt. Tumango ako. Sa wakas ay naituloy na rin ang pagtutuyo sa aking buhok. “Oo. Ito

