Nanatiling nakahinto ang kotse ni Ford. Hindi pa namin tuluyang nararating ang Hacienda Salvatierro. Sa gawing ito ng lupain ay bibihira na lamang dumaan ang mga sasakyan dahil halos sakop na rin ng private property ng mga Salvatierro. Patag ang malawak na lupain at sa dulo nito ay natatanaw ang araw na lumulubog na. Ilang sandali na lamang ay magdidilim na ang langit. Kinalas ni Ford ang kaniyang seatbelt. Ganoon din ang ginawa ko sa ‘kin, hanggang sa tuluyang magtagpo ang mga labi naming dalawa. Sinakop agad ng kamay niya ang aking panga. Hinayaan ko siyang angkinin ang mga labi ko. “Ford...” usal ko sa gitna ng halik. Sa katahimikan ng paligid ay tunog ng mga labi naming nagsasalubong ang naririnig. It was a hungry yet passionate kiss. He didn’t touch me anywhere else. Magka

