Hindi ako nakapagsalita, gulat pa rin. Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Alaric. Tumikhim din siya at hinayaan akong iproseso iyon. Ni minsan ay hindi ko naisip na hindi pala sila tunay na mag-ina! “K-Kung ganoon...” Wala pa rin naman akong masabi. Nag-iisip pa rin ako. “Perseus got adopted when he was five,” dagdag ni Alaric. Nagkatinginan kami at nagtagal din ang tingin niya sa ‘kin, tila binabasa niya ang aking reaksyon. Napalunok na lang ako at tumango, takot na baka ma-offend ko siya sa reaksyon ko. “Oh...” sambit ko na lang. “Oh?” Natawa si Alaric. Iyon yata ang unang beses na nakita ko siyang natawa! Kaso lang wala naman doon ang isip ko dahil gulat pa rin ako sa sinabi niyang ampon pala sila ni Perseus! “That’s true, Deborah. Ampon lang kami ni Nay Aurelia, but sh

