Inabot ni Ford ang labi ko. At parang nagbalik sa akin ang nangyari kagabi sa hardin. Nagiging abnormal na naman ang paghinga ko at ganitong-ganito ang kaniyang sinabi noon sa tabing dagat. He will do anything to make me want him. At pakiramdam ko talaga ay isa iyong sumpa mula sa kaniya! Naitiklop ko ang mga hita ko at napagilid. Nasa likod ko pa rin siya at kinukulong niya ako sa kaniyang mga hita. Naka-shorts lang ako kaya ramdam ko ang bawat pagdikit ng mga binti niya sa ‘kin. Napapapihit na ako paharap sa kaniya dahil sa pag-angkin niya sa labi ko. Nahuli niya rin agad ang baiwang ko at lalo akong hinapit palapit. Nilapat niya ang mga binti sa sahig at hinayaan akong pumatong sa kaniya. Ngayon ay nasa gitna na siya ng mga binti ko. Nakulong ko ang kaniyang bewang. Nag-iinit ang

