Nasa isa’t isa pa rin ang tingin namin kahit noong marinig namin ang pagtawag nina Tina na mukhang nasa buhanginan na, nagyayaya na para kumain. At kahit malamig ang mga mata ni Ford, naroon pa rin ang kakaiba sa mga titig na ginagawad niya, iyong tipong alam mong hindi ka makakawala. He himself is hipnotizing already, at lalo pa kung magsasalita siya at kung ano-ano ang sasabihin na parang demonyong mayroong inaalok. He carefully pulled himself away. At noong maiwan akong mag-isa sa batuhang iyon ay natulala ako sa kaniyang inalisang pwesto. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang t*bok ng puso ko. At bukod, may iba pa. Pakiramdam ko ay maagang gumagana ang kaniyang sumpa, ang mga salitang binitawan niya kanina! Halos wala ako sa aking sarili noong bumalik na kami sa tabing-dagat.

