Habang kumakain kami, sinusulit din namin ang oras na magkausap at magkasama kami ni Ford. Hanggang sa umuwi na nga kami at sumakay sa kaniyang sasakyan. Kailangan na rin naming bumitaw sa kamay ng isa’t isa. Kaso hindi niya mapigilan na halikan muna ang kamay ko bago niya bitawan. Namula ang mukha ko at napalingon sa paligid. Baka ay may makakita sa kaniyang hinahalikan ang kamay ko! Ngumisi lang si Ford. Bakas sa mga mata niya ang kislap. Like he’s actually having a good time right now. Ang hirap niya tuloy suwayin! Ayaw ko naman na ako ang dahilan na mawala ang kislap sa mga mata niya. At siyempre, gusto ko rin namang nakikita iyon! Ngumuso na lang ako. Binitawan niya rin naman ang kamay ko. Pinasakay niya na ako sa kaniyang kotse at pinagbuksan pa ako ng pinto. Habang sinusuo

