Ikaapat na Kabanata

2068 Words
**** "ANONG GAGAWIN NATINNN?!" Natatarantang sigaw ni Sheena at hindi na nila mapigilan ang mapatayo sa pwesto nila, ganun pa man ay nanatili pa din sila sa gitna kung saan protektado sila ng mga asin at dasal ni Sonya. Pansamantala. "Hindi magtatagal at mapapasok na nila tayo! Hindi na kaya ng enerhiya ko ang kapangyarihan nila. Alam na nilang tinutulungan ko kayo!" Sigaw pabalik ni sonya dahil halos hindi na sila magkarinigan dahil sa ingay sa paligid. Napakalakas din ng hangin na parang may bagyo pero wala naman. Umuuga pa ang bahay na lalong dumagdag sa takot nila. Napipi na ang iba. Si Carla ay nag iisip pero hindi din sya mapakali. "Kailangan nyo ng umalis. Hindi na ligtas dito!" Sabi ni Sonya at tumayo na din. Tinitigan nya ang lahat. "Wag nyong iwawala ang mga suot nyong purselas na binigay ko dahil mapoprotekayunan kayo nun." Seryuso nya pang sabi. Napatingin sya sa braso ng lahat at may napansin sya. "Asan ang sa iyo Ivan? Bakit hindi mo suot?" May pagdududang tanong ni Sonya. Sa kanya naman ngayon nakatingin ang lahat. "Hindi ko na kase napansin na n-nawala. Sa pagmamadali ko siguro kanina dahil nauubosan na kami ng oras." May kabang sabi ni Ivan. Hindi kumbinsido ang lahat. "Nagsasabi ako ng totoo! Pwede mo kong bigyan pa ng isa, naiwala ko lang talaga kanina. Baka isipin nyo pa dyan e ako ang nagpapanggap dito!" Asik pa ni Ivan. "Guy's kailangan na nating magmadali! Sonyaaa! anong gagawin namin?!" Natatarantang sigaw ni Jane. Kumuha naman si Sonya sa kamnyang bulsa ng isa pang pangontra at ibinigay yun kay Ivan. Hindi nila napansin na hindi naman nya iyon isinuot at isinuksok lang sa bulsa. "Kailangan ko silang litohin at tumakas kayo, hanapin nyo sa gitna nang kagubatan ang aking Lola at susunod ako dun. Kung kaya nyo ay dalhin ninyo ang makakaya nyong kagamitan. Pero bago ang lahat, ibigay nyo sakin ang pinaka importanteng bagay na dala nyo ngayon at yun ang gagamitin kong panlito sa kanila." Napaisip ang lahat, pero ginawa din nila ang sinasabi ni Sonya at ibinigay nila ang kailangan nito. Kwintas kay Sheena, ang rosaryo ni Carla na nag dadalawang isip pa dahil naniniwala syang yun ang mas higit na kailangan nila pero ibinigay din nya. Ang singsing naman kay Jane na binigay pa sa kanya ni Steve nung una pa lang na naging sila tanda ng pagmamahal sa kanya neto. Ang picture ng Mommy ni Kyle at nagbilin pa kay Sonya na ingatan iyon at ibalik din sa kanya, ang arnis naman kay Steve, Panyo ni Kysler galing sa babaeng matagal na nyang ka secret on, at si Ivan na walang maibigay. "Ivan! Ibigay mo na yung hinihinge ni Sonya na makaalis na tayo!" Sabi sa kanya ni Kyle. Napakamot pa si Ivan ng noo nya at inilabas ang isang c*ndom. Bigay sa kanya ng Ex nyang mahal nya pa rin hanggang ngayon. Napamaang naman ang lahat at napahiya naman si Ivan. "Are you serious Ivan!?" Irap ni Jane at nagkibit balikat lang ang binata. Nais man nilang matawa ay hindi nila magawa dahil sa sitwasyon nila. Napapailing na tinanggap iyon ni Sonya at inilagay sa isang telang lalagyan ang lahat. "Tumakbo kayo sa kagubatan sa likod ng bahay. Wag na wag kayong lilingon dahil sa oras na yun ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga nilalang dito para litohin ay makuha kayo. Gawin nya ang bilin ko kung gusto nyo pang mabuhay." Tumango ang lahat at naghanda na. Flashlight lang mga dala nila dahil naisip nilang sa ngayon ay walang ibang mahalaga kundi makaligtas sila at makauwi sa kanikanilang mga pamilya. Pumunta sa pintuan si Sonya, "Magkaiba tayo ng direksyon. Iisipin nilang kasama ko kayo dahil sa mga bagay na dala kong pag aari nyo. At gawin nyo ang bilin ko. Sabihin nyo sa Lola ko na ako ang tumulong sa inyo. Madali nyo lang matutontun ang lugar dahil sa matataas na bakod na nakapalibot sa lugar na yun. May nagbabantay sa labas at sabihin nyo lang na pinapunta ko kayo doon at papasukin na kayo. Manatili muna kayo sa Lola ko. Sa oras na tumahimik ay umalis na din kayo." Pagkatapos nun ay lumabas na si Sonya sa pinto at nawala sa kadiliman. Sinara agad ni Kyle ang pinto at nagkatinginan silang lahat. Nakikiramdam ang lahat. Sa paligid ay nagkagulo. Ang mga pagaspas ng mga pakpak sa itaas ay sinabayan ng mga huni ng mga nagmamay ari ng mga ito. Nawala na ang sumisigaw na Jane sa labas. Nakakarinig sila ng mga nakakakilabot na sigaw sa paligid. Para silang napapaligiran ng mga halimaw. "SONYAAAAA!!!" Isang malaking boses na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang narinig nila. Halos nayanig ang paligid dahil sa sigaw nito. Napaupo sila sa takot. Pawis na pawis ang lahat kahit na napakalamig ng paligid. "NAKIALAM KA NA NAMANNN!!!!" Galit na sigaw nito at biglang kumidlat ng malakas. Sumunod ang kulog pero hindi naman umulan. Lalo lang lumakas ang hangin at parang liliparin na ang bahay. "HINDI KANA MAGWAWAGI SA PAGKAKATAON NA TO! MAPAPALAYA KO ANG MGA DAYO! MAPAPALAYA KO ANG BARYO!" Sigaw ni Sonya at narinig nila ang pagtakbo nito papunta sa malayo dahil sa naapakan nitong mga sanga na nasa lupa. Sumigaw pa ng malakas ang boses na yun at parang lumindol sa paligid. Parang nahati ang lupa at patulog na yumanig hanggang sa mawala din iyon na parang walang nangyare. Tumahimik na sa paligid. Sobrang tahimik. Katahimikan na sobrang nakakakilabot. "O-oras na. Kailangan na nating umalis. Tandaan nyo, sa oras na umalis tayo dito ay walang lilingon sa inyo. Sa pangunguna ni Carla ay tumango ang lahat. Isa isa lang lumabas ng pinto at gamit ang flashlight nila ay naliwanagan sa labas sapat para makita nila ng maayos ang paligid. Dahan dahan silang kumilos at nakiramdam pa. Inilibot nila ang kanilang paningin at nagtakang parang walang nangyare, kung ano ang hitsura nung una nilang makita ang lugar ay ganun pa din ito. Inaasahan nilang sobrang kalat sa labas, dahil naririnig nilang parang nabunot ang mga puno at nililipad ng hangin sa paligid, narinig pa nilang parang nagiba ang mga bahay at nilipad din ng hangin. Parang nagkaroon ng malaking buhawi sa paligid pero payapa pa din naman ang lahat. Dali dali na silang kumilos at pumunta sa likod ng bahay ngunit nagulat sila ng muntik ng mahulog sa Carla na nahila agad ni Ivan. Labis ang kilabot nila ng makita nila ang napakalaking butas sa kanilang harapan. May butas ang lupa at pailalim iyon, para itong hinukay at talagang napakalalim nun dahil hindi na maabot ng ilaw ng flashlight nila ang hangganan nun. Parang may malaking nilalang ang gumawa noon at sumuot dun. Naglaro sa kanilang isipan ang laki at hitsura noon at ayaw nilang makita pa yun. Nahdahan dahan sila dahil baka gumuho ang lupa at ng masigurong maayos na ay saka nila lumisan. Lakad takbo ang ginawa nila. "Walang lilingon!" Paalala pa ni Carla sa lahat. Pero nahulog ang pursilas ni Ivan. Hindi na sya nakapag isip ng ayos at nabigla sya. Huli na, nilingon nya ang nahulog na pursilas at pinulot yun. Nang lumingon sya sa mga kasama at wala na sila. Tanging sya na lamang ang nasa paligid. Napahawak sya sa kanyang ulo habang tulirong lumilingon sa paligid. "Sh!t sh!t sh!!!!ttt !!!" Sigaw nya at napasipa sa puno sa tabi nya. Umuga yun ng bahagya at may tumulo sa mukha nya, Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong patak at hinawakan nya yun. Pula, kulay pulang likido. Nagsunod sunod pa ang pagtulo nun at diresto na sa kamay nya. Dahan dahan syang napatingala at nagimbal sya sa nakita. May mga nakabitin na katawan sa sanga ng mga puno. Ang masama pa ay nakatiwarik ang mga iyo at walang mga ulo. Ang isa ay nasa tapat pa nya at sobrang lapit lang nito kaya't kitang kita nya ang mga lamanng loob ng bahagi ng leeg neto. Para syang malalagutan ng hininga ng wala sa oras dahil sa takot. At ang malakas na sigaw ni Ivan ang umalingawngaw sa isang bahagi ng kagubatan. ***** Tumigil si Kyle at napatigil din ang lahat. Lahat ay nakatingin lang sa unahan. Nakiramdam silang lahat dahil baka may panganib kaya tumigil si Kyle. "B-bakit Kyle??" Tanong ni Sheena. Agad namang nagtanong si Kyle. "Si Ivan?" "Nasa likod." Sagot ni Kysler. "Ivan??" Pagtawag ni Kyle pero walang sumagot. Dumagundong ang kaba sa dibdib nila at nagsimulang mag alala. "Sh!t Ivan! Pare sumagot kaaa!" Tulirong sigaw ni Steve at tinawag sya ng paulit ulit. Pero agad silang nanlumo ng marinig ang malakas na sigaw ni Ivan mula sa malayo sa kanilang likuran. Tuluyan ailang naluha ng mapagtanto nilang hindi na nga nila kasama si Ivan, at ang katotohanang baka hindi na nila ito makita dahil pagkatapos ng sigaw na iyon ay hindi na iyon naulit. Tahimik na umiiyak ang lahat. Lalo pa nilang napagtanto sa sarili na parang wala na silang pag asa. "Ivan .." Bulong ni Carla. Napapikit sya ng mariin at inalala ang kaibigan. Kahit na puro bully lamang ang inabot nya dito ay napalapit na ito sa kanya ng mapag alaman nila na kailangan nilang magkaisa sa lugar na yun. Nagpahid ng luha si Steve at hinawakan sa kamay si Jane na nasa lang nya. "Umalis na tayo, baka hindi lang si Ivan ang mawala pag nagtagal pa tayo dito. Walang lilingon at wag nyong wawalain ang tingin nyo sa mga nasa unahan nyo. Matutunton din natin ang lugar kahit wala tayong idea kung saan yun gaya ng sabi ni Sonya. Magtiwala lang tayo. Isipin nalang natin ang mga pamilya natin na naghihintay satin. Gagraduate pa tayo! Kaya natin to. Para kay Ivan!" Pagpapalakas mya ng loob sa lahat. Sya na lamang ang may natitirang lakas ng loob para magsalita para sa lahat. "Kaya pa ba natin?" Tulalang tanong ni Sheena. Natuyo na ang mga luha sa mga mata nya at parang ayaw nang lumabas ng mga iyon. Dahil pinagsama samang takot, kaba, pagkalito, pagsisisi at sama ng loob, naisip nyang hindi na nga maayos ang pamilya nya ay ganito pa ang kakahinatnan nya. Napakasaklap. Napakapait ng buhay sa kanya. Napakadaya. "Kaya natin. Kakayanin natin." Paghawak ni Carla sa mga kamay nya. Ngumiti nalang sya ng bahagya at dahan dahang tumango. "Kailangan na nating magpatuloy. Baka mabawasan nanaman tayo kung magtatagal pa tayo dito." Sabi ni Sheena at sya naman ang umuna sa paglakad. Nasa hulihan si Carla at napapaisip. Ngayon ay napatunayan na nyang totoo nga ang mga kwento kwento sa kanila. Napapaisip sya kung ano nga bang hiwaga ang meron sa lugar na yun. Ano nga ba ang misteryong bumabalot doon. Ano nga ba ang lihim ng baryo? "Carla ..." Natigil siya sa paglalakad ng may mahinang bises ang tumawag sa kanya. Boses ng babae. Hindi nya iyon kilala. Gusto man nyang lumingon lingon ay hindi nya magawa. Naramdaman nya ang pagsimoy ng malamig na hangin. Tumayo ang kanyang mga balahibo dahil sa kilabot. "Carla ..." Muli itong tumawag at hindi nya matukoy kung nasan ito nagmumula. Nanggigilid ang kanyang luha at kinagat ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng mga iyon. Kailangan nyang maging matapang. Napahawak sya sa kanyang batok ng parang sumakit iyon. Pakiramdam nya ay ngalay na ngalay sya. "Carla ..." Lalo syang nangilabot ng para bang nasa tenga na nya ang bibig ng may ari ng boses na yun. Napakalapit kayat kahit bulong lang ay rinig na rinig na nya. kita nya ang mga kasama na walang kaalam alam sa pinagdadaanan nya. Dirediretso lang ang mga ito at ayaw naman nyang sabihin dahil alam nyang sobrang trauma na ang mga ito sa mga nangyayare. Kailangan nyang maging matapang. "Hindi na kayo makalalabas dito ..." Mahinang sabi nito at humagikhik. Tuluyang pumatak ang mga luha nya at napapikit ng mariin. Nagsimula siyang magdasal sa kanyang isip at pinayapa ang kanyang puso, nawala ang kanyang takot at nagkaroon ng panibagong tapang. Hindi nya namamalayan. Isang babae ang nakababa sa kanya. Nakayakap ito sa kanya at nakabitin sa kanyang mga balikat. Mahaba ang buhok. Maruming mga paa. At ang malatang kulay ng bestida neto dahil sa pinagsamang mga dugo at putik. Unti unting nawawala ang imahe ng babae sa kanyang likuran habang siya'y nagdadasal. Naramdaman naman ni Carla na parang gumagaan na ang kanyang pakiramdam. Nagpasalamat sya sa diyos at nanalangin na sana ay makayanan nila ang lahat at makauwi pa ng ligtas. **** To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD