*****
"MAUPO kayo."
Pagkapasok ng kubo ay pinaupo ni Sonya ang mga dayo sa isang may kahabaang upuan na yari sa kawayan. Nagpakawala ang mahinang ingay dahil sa pagkakaupo nila doon. Nasa isang bahay sila na parang bahay dalanginan. May mga upuan na katulad ng inuupuan nila at may mga maliliit na mesa naman sa ibang bahagi, may mga nakapatong doon na mga bulaklak na parang araw araw ay pinapalitan. Napakasimple pero napakaganda. Maaamoy din ang inciso at mung ano ano pang mga halamang gamot. May kalakihan ang bahay na iyon at sa bandang kaliwa ay may pinto na papasok sa isa pang kabahayan. Nandoon ang silid tulogan nina Sonya, Andoy at Inang Luding.
Nakita nilang nagpunta si Inang Luding sa may unahan kung saan nandoon ang isang altar ngunit wala namang nakalagay na kung imahe o simbolo dun bilang pagkilala sa kung sino man ang kanilang sinasamba.
Nagsaboy ito dun ng inciso at nagdasal. Idinipa nito ang mga kamay at tumingala habang nakapikit, maya maya pa ay nilikom at pinagsalikop nito ang kanyang mga kamay at tumungo ng bahagya. May katandaan man ay makikitang malakas pa din ang matanda. Parang nasa 90 na taon na ito.
"Anong ginagawa nya?"
Nakatingin si Sheena sa matanda pero alam ni Sonyang para sa kanya ang tanong, nakatingin silang lahat dito.
"Kahit na kami ay nakulong sa baryo itong maraming taon na ang nakakalipas, at parang hindi na kami nasisilayan ni kahit katitingting na sinag nang mula sa diyos ay patuloy pa rin kaming nagdadasal sa kanya. Sa mga turo ni Inang samin ay hindi namin nakakalimutan na may diyos na gumawa ng lahat at alam naming may dahilan kung bakit nangyayare ito sa aming baryo. Kahit na mukhang hindi kami pinapakinggan ng diyos ay patuloy kaming tumatawag sa kanya."
Naantig sila sa sinabi ni Sonya. Napaluha si Carla at lumapit kay Inang, sinabayan nya ito sa ginagawa at taimtim ding nagdasal. Umiiyak na si Carla habang patuloy na tinatawag ang diyos at sinasabi dito ang lahat ng kanyang saloobin. Humihinge siya ng tawad sa kanyang mga pagkakamali at dinala nya dito ang mga kaibigan. Kung sana ay ounayag nalang syang ipaalam nalang sa kanilang guro ang kanyang kamalian ay wala sanang nagbuwis ng buhay sa kanyang mga kasama. Wala sana sila sa ganung sitwasyon. Naisip nyang maaari pa naman syang bumawi kung hindi man sya makapasa dahil may susunod na taon pa at maiintindihan naman sya ng kanyang magulang pero huli na. Andun na sila at wala na syang magagawa pa kundi humingi ng tulomg sa diyos.
"Napakabuti ni Carla .. Nagsisisi akong pinagbuntunan natin sya ng mga kalokohan natin Kyle. Marami tayong kasalanan sa kanya at hindi ko na alam kung paano tayo makakabawi sa kanya."
Sabi ni Sheena habang nakatingin kay Carla. Ganun din si Kyle at napalunok. Pinipigilan nyang maluha at iniiwas na lamang ang tingin.
"Nagsisisi din ako Sheena. Pero huli na."
Mahinang sagot nya sa babae.
"Ang pagsisisi naman ay palageng nasa huli. Hindi naman kase tayo naniniwala hanggat hindi agad natin nakikita o nararanasan ang mga bagay na mahirap para satin ang paniwalaan."
Malalim na litanya ni Sonya. Hinawakan nito sa balikat si Sheena.
"May paraan pa para makaalis kayo dito."
Napalingon sa kanya si Kyle at Sheena. Nakakunot ang mga noo pero bakas ang pag asa sa mga mukha.
"P-paano?"
Sabay na tanong ni Kyle at Sheena. Hindi na sumagot ai Sonya at inilipat ang kanyang paningin kina Carla at Inang, kasalukuyan na inaalalayan ni Inang si Carla na tumayo at hinahaplos ang likod nito upang pagaanin ang kalooban ng dalaga. Sabay itong naglakad papalapit sa kanila at nagpupunas pa ng mga luha si Carla.
"Marami ng dayo ang nangahas pumunta sa lugar na ito. Kahit na nabalita na noon ang nangyare sa aming baryo. Maaaring pumasok ang sinoman dito pero mula wala pang nakakalabas."
Pag uumpisa ni Inang Ludeng. Inalalayan itong maupo ni Sonya at tumabi dito.
"Dati ay masaya at payapa ang aming baryo. Ngunit dumating ang isang dayo at pinamunuan kami noon ng wala man lang pagtatanong samin kung nais ba namin syang maging pinuno. Isang Lalaking nagngangalang Teodoro, isa siyang binata at napakabatang tingnan sa kanyang kaanyoan, ang pinuno namin na kanyang sinundan ay kanyang kapatid sa Ina at kanya rin itong pinatay sa aming harapan. Hindi lingid sa lahat na ang kanyang malalim na sekrito na ipinalit nito ang kanyang kaluluwa sa diablo para mapanatili ang kanyang batang anyo at magkaroon ng kapangyarihan. Kaya't walang nangangagas na kalabanin sya. Sya ang kinakatakotan ng lahat dito at pinagbabantaan ang kung sino mang kumalaban sa kanya at ang maglalabas ng sekrito nya sa baryong itong. Taon taon ay nag aalay sa kanya ng babaeng birhen na manggagaling sa labas ng baryo."
Inabutan ito ng tubig ni Andoy dahil nakikita nyang parang hinahapo ang kanyang Lola. Nagpasalamat ito aa kanya at inilapag ang kawayan na nagsisilbing baso sa isang tabi. Tumingin ito aa labas ng pintuan at parang nakikita nito ang mga pangyayareng kanyang sinasambit.
****** SA PANAHON NG PAMUMUNO NI TEODORO *****
"WALANG BABALIK DITO HANGGAT WALA KAYONG DALANG ALAY PARA SA PANGINOON NATING SI SATANASSS!!"
Galit na sigaw ni Teodoro habang dinuduro ang mga tao sa kanyang harapan. Nagtitipon ang lagat sa isang bulwagan na ginawang simbahan ni Teodoro para doon sumamba ang lahat sa hari ng kadiliman.
"KUNG WALA KAYONG MADADALA AY ISA SA MGA BABAE SA BARYONG TO ANG IAALAY KO!!"
Nanggigigil pa nitong sigaw at inilibot ang kanyang masamang tingin sa lahat. Nag iyakan ang mga tao, mapababae, lalaki, matanda at bata dahil sa takot.
Humalakhak naman ng tawa si Teodoro dahil sa nakikita at naririnig.
"HAHAHAHAHAHA wala pa nga akong ginagawa ay takot na takot na kayo."
Nanunuya nitong sabi sa lahat.
"Pakiusap pinunong Teodoro. W-wag mong gawin samin ito. Alam na ng mga taga labas na kumukuha ng dalaga ang ating baryo para ialay sa inyong panginoon, kung gagawin ulit namin iyon ay kami naman ang mapapahamak."
Pakiusap ng isang matandang lalaki at lumuhod pa dito. Naglakas loob siyang magsalita para sa lahat dahil awang awa na siya sa kanyang mga taga baryo.
"Mapangahas ka! Lumapit ka dito."
Kalmado pero may gigil na utos nito. Nag aalangan na tumayo ang matanda bago dahan dahang lumapit kay Teodoro.
"HUWAG!! Huwag tayyy!! Baka saktan ka lamang nya Itay!"
Biglang lumapit ang isang napakagandang babae sa matanda at pinipigilan ito. Yumakap ito sa matandang lalaki at ayaw pumayag na lumapit ito kay Teodoro.
Napatitig si Teodor sa babae at napangiti. Nakita iyon ng lahat at dali daling itinaboy ng matanda ang kanyang anak papalayo at sumenyas sa kanyang mga kasama na kunin ito at hawakan upang hindi na makahabol sa kanya.
"Hmm .. Hindi ko alam na meron palang naninirahan ditong napakagandang binibini."
Ngiting ngiti ito at hindi maalis ang tingin sa babae.
"Pakiusap pinunong Teodoro, pakinggang mo sana ang aming pakiusap. Baka po may iba pang paraan, hindi na po namin kaya"
Lumuluhang wika ng matanda. Nakayuko pa din ito. At maya't maya ang sulyap sa kanyang anak na nag aalala sa kanya. Hindi naman maialis ni Teodoro ang tingin sa Dalaga.
"Anong pangalan ng iyong anak Carding?"
Hindi mapakali ang matanda habang pasulyap sulyap sa nag aalalang anak. Sya naman ngayon ang nag aalala para dito.
"S-Sonya po Pinunong Teodoro.."
Abot abot ang kaba sa kanyang dibdib, pakiramdam nya ay may hindi magandang mangyayare.
Tumango tango naman ang masamang pinuno. Kung hindi lamang nalalaman ng lahat ang sekrito nito, na ito ay napakatanda na at sadyang napakabata lamang ng itsura na mukhang kastiloy ay tunay ngang maraming kababaihan ang mapapaibig dito.
"Lumapit ka Sonya."
Nakahaya pa ang dalawa nitong palad at napakatamis ng ngiti. Napabitaw naman ang mga naghahawak dito dahil sa takot, si Sonya naman ay dala ng pag aalala sa ama ay hindi na ininda ang naramdamang takot sa kanyang dibdib.
Lumapit ito sa pinuno at napapayuko dahil iniiwasan nya ang mga tingin nito. Pinasasahan sya ng titig ni Teodoro mula ulo hanggang paa.
Napakagandang babae naman talaga ni Sonya, sa edad na labing pito ay hubog na hubog na ang katawan nito. Napakaputi at napakakinis ng balat na parang hindi naninirahan sa probinsya at bukid na katulad ng kanilanv lugar.
"Magdadalawang taon na ko sa lugar na ito ngunit ngayon lamang kita nakita binibini. Saan ka naglalagi?"
Mahinahon na tanong ni Teodoro at sa tono ng boses nito e para bang napakabuti nitong tao.
"P-palage lamang akong nasa bahay pinuno kasama ng aking dalawang kapatid. Hindi po kami itinutulong ng aming ama sa bukid dahil mas nais nya pong sa bahay lamang kami at doon gumawa."
Nangunot naman ang noo ni Teodoro at tumingin kay Carding.
"Bakit naman ganoon Carding? Itinatago mo ba sya sakin?"
Nandidilat ang mga matang tanong ni Teodoro. Kinabahan naman ang lahat dahil baka kung anong magawa nito gayong nag uumpisa nanaman itong magalit.
"H-hindi po Pinuno, ayaw ko lamang pong mahirapan ang aking mga anak."
Pagpapalusot ni Carding dahil ang katotohanan ay itinatago nya nga ang kanyang mga anak. Lalo na ang dalawa nitong dalagang kambal at isa na dun si Sonya na may tapang hindi katulad ng kanyang kambal na palageng nakatago at halos hindi lumalabas ng bahay ng dumating si Teodoro sa kanilang baryo. Natatakot na sila naman ang pagdiskitahan nito.
Humalakhak naman ng tawa si Teodoro. Kilabot ang dala noon sa lahat dahil sa pagtawa nito ay para bang may isa pang boses ang maririnig na kasabay ng pagtawa nito.
"Hay naku Carding. HAHAHA labis mo kong pinasaya."
Pinagsalikop nito ang mga palad at tumingin sa lahat.
"Papayag na ako sa inyong gusto. Hindi ko na kayo papupuntahin sa mga kabilang baryo at bayan para kumuha ng mga birhen."
Nagpalakad lakad ito at tumigil sa harapan ni Sonya.
"Dahil may maiaalay na ko na tiyak kong labis na magugustuhan ng ating panginoon."
Sabay haplos nito sa mukha ni Sonya na nangungunot ang noo.
"W-wag pinuno! wag ang anak ko pakiusap!"
Dagling lumapit si Carding kay Teodoro at lumuhod sa paanan nito ngunit hindi ito pinansin. Nakangiti pa din ito habang pinagmamasdan ang napakagandang mukha no Sonya. Si Sonya naman ay nakipaglaban ng titig dito ngunit at kitang kita mi Teodorong galit ang nandoon. Ngumiti lamang sya at dahan dahang bumitaw sa pagkakahawak sa mukha no Sonya. Iniingatan nyang masaktan ang babae.
"Sa byernis sa susunod na linggo, kasabay ng pagbilig ng pulang buwan. Ihanda ninyo ang inyong sarili at saksihan ang pag aalay sa panginoon nating si Satanas!"
Sigaw nya sa lahat at umihip ang malakas na hangin. Makalipas lang ang sandali ay nawala din iyon. Patuloy pa rin ang pakiusap ni Carding at inalalayan ito ni Sonya.
"I-itay tama na .."
Umiiyak na wika ni Sonya at hindi alintana ang parating na panganib sa kanya.
"Diyos ko anak ko! Kailangan kitang maitakas sa baryo natin ..."
Umiiyak na wika ni Carding. Mabuti na lamang at hindi iyon narinig ni Teodoro dahil patuloy pa rin ang patalastas nito sa lahat.
"Kumalma ka Itay. May naiisip na kong plano kaya't wag kang mabahala."
Ngunit patuloy pa rin sa pagtangis ang matanda. Lumapit sa kanila si Teodoro.
"Ihanda mo ang iyong sarili Sonya. At huwag mong susubukang tumakas dahil hindi mangyayare iyon."
Nakangiti ngunit may pagbabantang wika ni Teodoro. Hindi nya na ito tinapunan ng tingin o sinagot man lang. Inalalayan nyang makatayo ang ama at inakay ito sa karamihan. Tumango siya sa lahat at sila ay nag alisan.
Naririnig pa nila ang tawa ni Teodoro at nilingon ito ni Sonya. Nakatalikod na ito asa kanila at papasok na sa kanyang silid sa bulwagan na iyon, at kitang kita niya ang itim na anino na nakatayo sa likod nito. Sumasabay ito sa lahat ng kanyang kilos, kasing imahe ito ni Teodoro ngunit may sungay ang aninong yun.
Napahinga sya ng malalim at iniiwas ang tingin dito. Tinulungan nyang muli ang ama at kailangan na nilang umuwi dahil naghihintay pa ang dalawa nyang mga kapatid.
****
Pagkauwi sa bahay ay nakaabang na si Andoy na Siyam na taong gulang pa lamang, ang kanilang bunso.
"Ate ano pong nangyare sa Itay??"
Nagtatanong man ay kumuha ito ng tubig at ibinigay sa ama. Uminom naman agad ang matanda na patuloy pa ring lumuluha.
Pagkatapos ay sinabi ng matanda kay Andoy ang lahat. Ang bata ay mulat na sa kasamaan na nangyayare sa kanilang baryo, kaya't naiintindihan nya ang lahat at labis labis ang pag aalala sa kanyang Ate Sonya.
"Ate? Anong gagawin natin?"
Natatakot na tanong ni Andoy at napaupo sa isang upuan.
Tumingin sa kanya si Sonya at makikita sa mukha at tingin ng dalaga ang desperasyon.
"Ako ng bahala Andoy. Wag na kayong mag alala at may naiisip na kong paraan."
Napatingin ito sa paligid at parang may hinahanap.
"Nasaan nga pala si Sanya?"
May kunot noong tanong nya. Sa pagkakatanda nya ay nandoon lang iyon sa bahay ng magpaalam sya. Napakatahimik, mahiyain at matatakotin ang kanyang kambal kaya't tiwala siyang hindi ito lalabas ng bahay. Nagtaka lamang siya dahil sa tuwing dumadating sya at ang kanyang ama ay sumasalubong ito sa kanya ngunit ngayon ay hindi.
"Lumabas sya Ate kanina, sumunod siya sayo at akala ko ay sabay din kayong uuwi."
Paliwanag ni Andoy at gumuhit ang pag aalala sa mukha ni Sonya at Carding.
"Ang kambal mo Sonya. Baka kung anong mangyare sa kanya! Baka makita sya ni Teodoro!"
Natatarantang Sambit ni Carding at dali daling tumayo.
"Dito ka lamang at hahanapin namin si Sanya. Kung bumalik man siya at hanapin mo kami agad"
Bilin ni Sonya at dali daling sumunod kay Carding.
Inisa isa na nila ang mga bahay ngunit hindi nila ito makita. Maging ang kanilang mga kabaryo ay nag aalala na din dahil alam nilang mahina ang kalooban ng dalaga. Mahal nila ang mag aamang Carding at tatlong anak nito dahil mula ng mangyare ang lagim sa kanilang baryo ay si Carding lage ang namumuno upang kumausap at magtanggol sa kanila kay Teodoro.
Nagtulong tulong na ang lahat para hanapin si Sanya. Inabot na sila ng gabi sa kahahanap ngunit hindi talaga nila ito matagpuan.
Samantala ..
Sa bahay ni Teodoro.
Namamangha itong pinagmamasdan ang isang babae sa kanyang harapan. Napakaganda nito at napakainosente kung titingnan.
Nakatitig din ito sa kanya at walang takot na makikita sa mga mata ng dalaga.
Kamukhang kamukha ito ni Sonya at kung di lamang ordinaryo si Teodoro ay aakalain nyang si Sonya nga ito ngunit naaamoy nya ang pagkatao ng babae.
Ang babaeng walang iba kundi ang kakambal ni Sonya,
Si Sanya.
To be Continued