Chapter 3

1932 Words
Dalawang araw palang ang nakakalipas simula ng umuwi kami rito sa Batangas pero gustong-gusto ko na kaagad umalis. Akala ko kaya kong pigilan ang sarili ko at tiisin pansamantala ang sitwasyon pero sino ba ang niloloko ko? I’m in a foreign place where I only know few people, ang masaklap pa hindi ko naman sila ka-close kaya wala rin silbi. Kagaya nang dumating kami hindi pa rin kami nag-uusap ng matino ni Mommy. Sinusubukan niya akong suyuin pero lumalayo ako kaagad. Ginagawa niya lang naman kasi ‘yon dahil naguiguilty siya, it's not like she cares about what I feel. Ipinatapon niya nga ako rito. If she wants me to forgive her, ibalik niya na lang akong sa Maynila kaysa naman ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa lugar na ngayon ko lang napuntahan. I get it baka nga sumosobra na ako pero ganun pa man deserve ko naman siguro na magkaroon ng pagkakataong pumili para sa sarili ko? Why do people that surround me never let me decide for myself? Palaging idinadahilan na para sa ikakabuti ko ang lahat but did they even ask for my opinion? When will time come na may mag-iisip kung gusto ko bang gawin ang isang bagay o hindi. All the people here are nice lalo na ang Lolo at Lola ko. They toured me in their small farm yesterday at nakakatawa dahil bagamat simple lang ang pamumuhay nila, kitang-kita ko naman ang saya roon. Contentment. Bagay na meron sila na wala ako. If only my mother brought me here sooner, then I would have chosen to stay, because way back I’m still that girl who knows how to appreciate small things. May mga ilang tao akong nakasalubong, I was wandering around dahil naghahanap ako ng signal. Malapit pa din naman ito sa kina Lola kaya imposible na mawala o maligaw ako. I’m starting to get used to the way people stare at me, it's as if I don’t belong here. It's been two days since we move here in Batangas pero pakiramdam ko linggo na ang lumipas. After my encounter with Garren, I did not go outside. I was busy trying to formulate a plan and how to coax my mother para mapapayag siya na sa Manila na lang ulit kami. Ayoko magtagal dito lalo pa na dito rin nakatira si Garren. Sa huli wala rin akong naisip, mas lalo lang yata akong nabugnot. Wala sana akong balak magbukas ng phone but thinking that Dylan might be calling me non-stop makes me guilty. Pinatayan ko pa siya ng tawag last time. Nakaabot ako sa may manggahan, may signal naman pero mahina pa din. Gayunpaman I still manage to received some of Dylan’s text messages at gaya ng ineexpect ko halos umabot sa tatlumpo ang missed calls. Umirap ako sa kawalan dahil daig niya pa ang Mommy ko. Sarili ko ngang nanay hindi ako tinatawagan ng ganito! I further browse my inbox pero bukod kay Dylan wala na akong nareceive na kahit anong mensahe galing sa ibang kaibigan. Nakakadismaya pero hindi na rin ako nagulat. I already know that they are only tolerating me because of Dylan. How funny it is to think that I’m desperately wanting to go back to a place that I’m just being tolerated. Siguro nasanay na lang din talaga ako na magkunwari because in that way I can feel different and free. Habang nagtitingin ng ilang social media ay saktong nareceive ko ang tawag ni Dylan. I answered it immediately dahil baka mawala ang signal. “Thank God you answered, anong nangyari? Why did your Mom suddenly made a decision na papuntahin ka diyan sa Batangas?” I can feel the frustration in his voice, medyo naguilty naman ako dahil alam kong busy siya sa trabaho pero binibigyan niya talaga akong oras. Sumakit bigla ang ulo ko sa daming tanong ni Dylan. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa idagdag pa na dumagdag na rin sa isipin ko ang pinsan niyang siraulo. Now that I remember… “Before I answer you, answer me first. Alam mo ba na nandito rin sa Batangas si Garren?” He was silent for a few seconds samantalang ako ay pigil hininga. Does he know? “You two met?” he asked calmly. Huminga ako ng malalim. He knows. I want to get angry, he should’ve told me pero bakit ko ba idadamay sa galit ko ang kaibigan ko? I don’t want to become unfair just because I let my emotions get the best out of me. “Oo, I accidentally saw him near my grandparents farm. At first I thought I was just hallucinating pero siya nga iyon. We also talked.” and had our closure, I was supposed to add that but decided to not to. There are things that are better to be left unsaid… “What did you two talk about? Don’t tell me…” I’ve already cut him bago pa man niya masabi ang gustong sabihin. “Of course not! Why would I reconcile with him? After what he did to me? Hindi pa ako nababaliw Dylan. You of all people know what I’ve been through!” “Good. You know that I like you right? I’m not forcing you to reciprocate my feelings but I just want you to know that I’m serious. I’m willing to wait for you, Kali.” I’m out of words. Dylan has always been forward with his feelings but everytime he switch to his serious side, nawawalan ako ng lakas na sumagot. It’s as if he wants me to assure him that I will give him a chance kahit pa una pa lang klinaro ko na kaagad sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami. “Anyway, baka sa isang linggo pa ako makapunta dyan. I’m trying to squeeze my schedules para mapapayag si Papa na magbakasyon ng isang linggo. Don’t worry I’ll help you persuade Tita.” “No, Dylan you don’t need to. Ako na ang bahala kay Mommy, mapapapayag ko rin siya. Just stay there and don’t mind me kaya ko ang sarili ko.” Gusto niya pang ipilit but I already dismiss the conversation. Natapos naman kaagad ang usapan namin, more on mas marami pa siyang sinabi at ako naman ay nakikinig lang. After that confrontation hindi ko magawang makipagsabayan sa kanya. Iyong excitement ko napalitan ng pangamba at guilt. Hanggang sa matapos ang tawag ay nakatulala lang ako. Dati-rati naman kayang kaya kong sabihin ng deretso kay Dylan na hanggang kaibigan ko lang talaga siya pero bakit ngayon hindi ko magawa? Nalulungkot ako. Mabuti na lang walang masyadong tao ang dumadaan dito sa banda ko kaya kahit mabigat ang nararamdaman ko, kahit papaano naiibsan iyon ng magandang tanawin. I don’t wish to hurt him. Kung kaya ko lang ibigay ang gusto niya matagal ko na sanang ginawa. Nawala ako sa malalim na pag-iisip dahil sa malakas na yapak ng kabayo. Papalapit iyon sa direksyon ko, suot ko ang salamin instead of contacts kaya naaninag ko iyon ng maayos. Ang hindi ko lang gusto ay iyong taong ayokong makita ang sakay ng kabayo. Pati ba naman dito makikita ko pa din siya? Tumigil ang kabayo hindi kalayuan saakin. Nagkunwari akong hindi siya napansin but I can feel his gaze at me. Hindi sa nag-aassume ako but I trust my senses. Kunwari kalmado akong nagtitingin sa phone ko but in reality my insides are in chaos. Bakit ba kasi ang tagal niyang umalis? Nangangalay na ako sa pwesto ko. Walang upuan sa manggahan kaya basta na lang akong naglupagi at nag-indian sit. Nakajeans naman ako kaya ok lang hindi rin naman basa ang damo. “Hindi ka dapat umuupo dyan.” I was surprise when he suddenly walk near me at nakapameywang akong tinignan. Dahil naka-upo ako, nakatingala ko siyang tinititigan. Bakit parang ang daming muscles este dahon sa damit niya. “B-bakit naman? Wala naman akong nakitang karatula na nagsasabing bawal dito? T-tsaka ikaw ba may-ari ng lupa na ito? Para nakikiupo lang eh.” Joke kasi ‘yon pero hindi siya natawa man lang. Nagmukha tuloy akong t*nga at trying hard. Kung hindi lang nangingimay ang binti ko kanina pa ako tumakbo palayo. “Hindi ka ba makatayo? Nangingimay ba ang binti mo?” sunod sunod niyang tanong. Nakaramdam ako ng pagkairita kasi parang gustong gusto niya talaga akong paalisin. Nga naman usapan ay magiiwasan kapag magkikita but is it my fault na hindi ako kaagad makaalis? “Teka, bakit ba ang dami mong tanong? Saglit at aalis na ako dito, nakakahiya naman at bawal pala maki-upo,” I was so pissed off that even though I’m still having muscle cramps ay tumayo na kaagad ako. Without my permission, he suddenly lifted me up in a bridal style position. I was taken back and when I reacted it was too late. Dahan dahan na niya akong ibinaba sa di kalayuan at inistretch ang binti ko na pinulikat. “Wala akong sinabi na bawal kang umupo doon, delikado lang kasi sa puwesto ang napili mo dahil may mga bungkos ng manga. Baka mapatakan ka. Masakit pa ba?” Garren is still busy stretching my leg, he’s doing it gently. Samantala hindi naman ako makaimik because I was shocked. At siguro may konting hiya dahil ang asumera ko. Wala namang espesyal sa ginagawa niya pero iyong t***k ng puso ko parang pang marathon. A memory suddenly flashes in my mind. Intramurals noon at sapilitan akong pinasali ng mga kaklase ko sa paligsahan sa pagtakbo. Hindi ako sanay sa takbuhan kaya ang ending wala pa sa kalahati pinulikat kaagad ako. Garren was still in a different competition that time, tennis, but he left his game kaya natalo siya para lang daluhan ako. He was so worried that time na nakatanggap pa ako ng sermon sa kanya while he’s massaging my leg. “Ayos na ba? Masakit pa?” he said calmly. “O-oo, thanks.” Dahan-dahan kong binawi ang binti ko sa kanya. Ang awkward… “Next time be sure to check when you are sitting under the tree. Delikado lalo kapag may bunga.” Now he’s nagging me. I tried to compose myself, hindi ko na dapat iniisip ang mga ganyang bagay. It's already from the past, we are trying to move on or maybe I’m just the only one. I will not let this kind of feeling affect my decision. “Sana sa susunod sabihin mo na lang. I don’t want to disturb you mukhang busy ka pa naman. I can perfectly handle myself naman,” I said casually but my heart is giving me a different feeling. “I will never be busy when it comes to you…” “Ano?” May biglang dumaan na mga bibe kaya nadistract ako at hindi narinig ang sinabi niya. Gusto ko pa sanang ipaulit sa kanya but a beautiful woman suddenly appear on his side. “Nandito ka lang pala Ren, I was looking for you.” The woman approaches Garren and clings to his arms as if it was normal for them. See? He already moved on Kalila. No need to feel guilty for being rude to him. Garren was looking at me intently, ni hindi man lang natinag ng magandang babae sa tabi niya. Gusto ko sanang itaas ang kilay ko but I stopped myself. Naiinis ako, why is he staring at me as if he still wants to say something. Para bang nagmamakaawa ang mga mata niya. “Uuna na ako, excuse me.” I left, hindi na ako lumingon. Ganun naman talaga dapat, ang nakaraan hindi na dapat pang binabalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD