Napakaingay ng buong kapaligiran. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang ginagawa lahat sila pare-parehas na abala. Halata naman iyon sa paraan ng pagkilos nila na para bang hinahabol ng kung sino. Maingay, magulo, nakakahilo. Kahit saan ako tumingin iyon at iyon pa rin ang nakikita ko. Walang pagbabago, lahat pare-pareho. "Huy! Kanina pa kita hinahanap ah" Nagulat ako sa bigla na lang humawak sa balikat ko. Para akong hinabol ng kabayo sa bilis ng t***k ng puso ko. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko kung sino man ang kumulbit saakin. Bumulaga saakin ang nag-aalalang mukha ni Dana. She looks so worried at bahagyang nagusot ang mukha niya siguro ay dahil sa naging reaksyon ko. Kumalma kahit na papaano ang naghuhuramentado kong puso ng makita ko ang maamong mukha ni Dana. Akala ko kung sin

