Chapter 35 How can I say this? Ang hirap palang magtraining! Unang araw pa lang ng sabak ko sa vocal training ay nahihirapan na ako kaagad. Hindi pala biro ang mga preparasyon ng isang aspiring idol. Tingin ko, ang dalawang taon na kontratang pinirmahan ko ay kulang pa para maging mas magaling sa gusto kong tahaking landas. "Ok, let's take a break. I think 20 minutes is enough? After that we'll continue our new vocal exercise for today." Sabi ng aming vocal coach na si Miss Tanya. Wala pa akong ganoong ginagawa pero nakakaramdaman na kaagad ako ng pagod. The vocal coach is so good at teaching, napapahanga niya ako sa paraan niya ng pagtutro kaya naman mas namomotivate akong magpursige. Alam kong hindi ko naman ginustong tahakin ang landas na ito at ginawa ko lang sa tindi ng pangangail

