Buong klase akong lutang dahil sa eksenang naganap kanina sa cafeteria, feeling ko hinawakan ako ng isang anghel and it's overwhelming although friendly gesture lang naman yun. Pero masama bang mag-assume na may ibang meaning pa yun? Hindi naman diba atsaka wala namang nakakaalam maliban sa dalawa kung kaibigan. Natapos na rin ang klase namin na parang walang nangyari, nagbigay lang naman ng special quiz at some discussions and the rest is history. Kasalukuyan akong naglalagay ng mga libro sa locker dahil masyado yung mabigat kung iuuwi ko pa. Wala ng masyadong estudyante dahil karamihan sa kanila ay naka-uwi na. Pinauna ko na rin yung dalawa at sinabi kong susunod na lang ako ayaw pang pumayag nung dalawa pero kalauan ay pumayag din ng ipagtulakan ko. Pagkasarang-pakasara ko ng locker

