Kabanata 7 Time Nagising ako sa mararahang haplos sa likod ko. Pagkamulat ko ng mata, mukha ni Karlmart ang bumungad sa akin. Napasinghap ako, gulat na gulat dahil sa seryosong anyo niya. Napakagat-labi ako at nahihiyang yumuko. Ramdam na ramdam ko ang kahigpitan sa yakap niya sa akin. Halos hindi ko maigalaw ang katawan dahil sa bigat ng katawan niyang binibigay sa akin. Tumama ang hininga niya ng bumuga siya ng hangin sa mukha ko. Hiyang-hiya ako sa posisyon namin ngayon, lalo pa't buhay na buhay na ang araw sa labas. Hinanap ng mata ko ang katawan niya, may suot-suot pa siyang kulay puting sando, nakita ko din sa ibabang suot niya ay jogging pants ko na. Lumunok ako at napagtanto na dito siya natulog buong gabi. "What are you feeling now?" he asked huskily. Pumikit ako at dinama a

