Kabanata 17 Attorney Pagod na pagod akong humiga sa kama. Pagkapasok ko ng kwarto, nagpalit agad ako ng damit para matulog. Ang sakit ng balakang ko, maging sa paglalakad ay nag-ika-ika ako. Sa sobrang sakit ng katawan ko hindi ko na napigilan ang sariling kainin ng tulog. Nagising lang ako dahil sa kamay na humihilot sa baywang ko. Nagtaka ako kung sino iyon, wala naman akong kasama sa kwartong ito kaya ng minulat ko ang mata ay napasinghap ako. Seryoso ang mukha ni Karlmart habang hinihilot ng maingat ang baywang ko, napalunok ako dahil sa sarap na nararamdaman. Huminga ako ng malalim habang hinayaan siya sa ginagawa, hindi ako nagsalita dahil seryoso ang anyo niya. Bumaba ang kamay niya sa hita ko hanggang sa paa. Relax na relax ako habang hinahayaan siya sa ginagawa sa akin. “Hin

