CHAPTER 2

275 Words
Habang nagmumuni-muni ako dito sa aking rooftop napag-isip-isip ko na buksan 'yung mga regalong natanggap ko mula sa aking mga subscribers. Sa dami ng regalo na natanggap ko mula noong nagpahinga ako, mayroong nakakuha ng attention ko isang box. Alam kong galing ito sakanya, pero bakit? The gift was from Phil, my long time boyfriend but apparently we broke up. Hindi ko alam kung anong nilalaman ng kahon. Kung ito na ba 'yung mga naiwan kong gamit sa bahay natin o ito ba 'yung last wish ko. Natatakot akong buksan kaya minabuti ko nalang na itabi na muna. Naisip ko na iblog 'yung pag uunwrap ko sa mga gifts na natanggap ko galing sa viewers ko para makita nila kung paano ko naaappreciate 'yung mga maliliit na bagay na binigay nila. Hindi ko inexpect na ang daming magmamahal sa'kin. "Hello guys, muling nagbabalik ang inyong minamahal, Heart Crystal. Siguro magtataka kayo kung bakit ito pa rin 'yung suot kong damit. Time check: 3:30am." Panimula ko sa aking blog. "A year ago, noong napagdesisyunan ko na mamahinga maraming dumarating na mga gifts mula sainyo. Kaya ngayon naisip ko na icontent." saad ko ng may ngiti sa aking mga labi. Isa isa kong binuksan ang mga regalong natanggap ko. May mga bags, shoes, clothes, tumblers, pictures, letters at marami pang iba. Lahat ng natanggap ko inisa isa ko at saka nagpasalamat. "Thank you sa mga gift naappreciate ko lahat ng mga binigay niyo. Lalo na 'yung toothpicks hahahahah alam niyo kabisado niyo talaga ako. Pero hanggang dito nalang muna tayo love. I Heart You, mwah." saad ko at saka pinatay ang aking camera. -End of Chapter 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD