CHAPTER 4: Please be good

1061 Words
Jaydee's POV "Get up and eat!" Pukaw ni Jayem habang inaalog ako sa kama. Nasa dorm kami ngayon at wala kaming naka-schedule na activities ngayon kaya sa halip na lumabas, sinamahan nila akong magmukmok. Buong araw na akong gumulong sa higaan ko dahil hindi ako makalabas dahil sa isyung kinasasangkutan ko ngayon. Samantala, ang ibang members ay abala naman sa paglalaro ng magkasama gamit ang Laptop na ibinigay ni Loey sa bawat isa sa amin. "Hmmmm ..." daing ko at tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka tumalikod sa kanya. "Will you please don't neglect your health?" Sabi ni Jayem na may tono ng pag-aalala habang nakasandal sa likuran ko, halos lahat ng bigat niya ay na sa akin kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. "Weeeeeeyy ..." I murmured. Bilang leader ng grupo, si Jayem ay laging responsable sa aming lahat. Palagi siyang nandiyan para tumayong ina at ama sa alinman sa mga miyembro na nangangailangan ng pansin at pangangalaga. "Aweeeeeeyyyy ..." Sagot niya na mistulang pagkopya sa akin. Kinuha pa niya ang kumot at ginulo ako na parang isang bagyo. "Hindi ako makakain." Nagtakip ulit ako ng kumot pero kinuha niya ulit. “Ah, hindi ka tatayo?" Aniya at nagsimula na siyang mangulit. Bigla akong kinagat nito sa puwet. "Arrrrggggh! Ano ba!" Bulyaw ko at hinampas ko siya ng unan. Ayaw niya bimitaw kaya mas lalo ko siyang pinaghahampas. Habang abala kami sa pagri-wrestling ay bigla namang dumating si Sean ng patakbo at sumisigaw. "Kuys!" Aniya. Huminto kami ni Jayem sa pakikipagbuno at pareho kaming napatingin kay Sean. "Ano?" Tanong ko. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at nagsimulang mag-scroll sa kanyang cellphone at may ipinakita sa akin. "Ito iyong abogado mula sa kalaban 'di ba?" sabi niya habang pinapakita sa akin ang litrato ng babaeng nakilala ko sa estasyon ng pulisya kahapon. "Atty. Angel Imperial, isang tanyag na Abugado na dalubhasa sa mga kaso ng panggagahasa," patuloy ni Sean habang binabasa ang isang article tungkol dito. Nagpatuloy siya sa pag-scroll. "Sinasabi rito na lahat ng mga kaso na hinahawakan niya ay laging nanalo kesehoda kung guilty man o hindi." Inikot ko ang aking mga mata, umupo sa gilid ng kama at naghalukipkip. "So what? Ang totoo wala akong kasalanan at wala akong dapat alalahanin." Nagkibit-balikat si Sean at kumunot ng noo. "Well, Accoring to my research, wala siyang pakialam kung nagkasala ka o hindi. Ang ganoong klase ng mga abugado ay hindi papayag na talunin sila, lalo na at wala pa itong talo kahit isa." Confident na sabi niya. Bigla tuloy akong kinabahan. "Well, dapat kang maniwala sa sinasabi ng bunso natin, alam mong mataas ang IQ niyan na katumbas ng dolphin 'di ba?" Pagbibiro pa ni Jayem para maibsan ang pag-aalala ko. But it didn't work out, I'm still worried. Paano kung talagang makulong ako? Ang lahat ng pangarap at pinaghirapan ko ay magiging abo lang kung mangyari iyon. Bigla kong naalala ang lahat ng paghihirap ko bago ko narating kung nasaan ako ngayon. Mula sa audition, limang taon ng pagiging isang trainee, at noong debut years kung saan nakakakuha lamang kami ng isang bag ng bigas bilang kabayaran sa mga performances namin. Naaalala ko rin iyonng debut ko bilang isang solo artist kung saan nagkaroon ako ng first solo album. Mahirap magbenta kahit isang kopya lang noon, pero inalo ko lang ang sarili ko at naisip na ang lahat ng mga kanta mula sa album na iyon ay magdudulot ng ginhawa sa lahat ng mga taong nakulungkot na kailangang makahanap ng kapayapaan sa kanilang mga puso. Kaya't dumating ako sa isang punto kung saan ibinibigay ko ito sa mga malungkot na tao nang libre. At alam ko kahit papaano, sa puso ko, alam ko na nakapag-console iyon sa kanila at nakapagbigay rin ako ng impact sa maraming buhay. At lahat ng mga iyon ay mawawala dahil lang sa isang kasalanam na hindi ko naman ginawa. I don't know if this is right but, I suddenly thought of an idea out of desperstion. Tumayo ako at pumunta sa banyo. “Hey? Saan ka pupunta?" Tanong ni Jayem habang tuliro sa kilos ko. Ni hindi ako nag-abala sa pagsagot sa kanya, sa halip ay naligo ako, nagsipilyo at inayos ang sarili. At nang matapos na ako ay nagpatuloy sa pagtatanong sa akin si Jayem. "What are you trying to do?" Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala. "May pupuntahan lang ako," sagot ko naman sa kanya. "Hindi ka puwedeng lumabas, alam mo na may mga paparazzi at baliw na mga fans sa labas," sinusubukan niya akong pigilan. "Kuys, I can handle it. Trust me," giit ko at papalabas sama ako nang hawakan niya ang pulso ko. Humarap ako at tinitigan siya, hinintay lo ang kung ano mang sasabihim niya. "Can you tell me where at least for the benefit of the doubt?" Pakiusap niya. Humarap ako sa kanya at huminto sandali, habang si Sean ay patagilid nang nakahiga na sa kama gamit ang kaliwang braso bilang standee sa kanyang nakadilid na ulo na nakaharap sa amin na para bang nagpo-pose para sa kalendaryo. "Kakausapin ko si Angel Imperial," sabi ko sa kanila. "Seryoso?" Hindi makapaniwalang ani ni Jayem. "bakit hindi?" Sumasang-ayon nan na tugo ni Sean. "Laban!" dagdag pa nito habang nakataas ang kanang kamao. "That is not a good idea bro, paano kung hindi siya maniwala sa sasabihin mo?" Si Jayem ay nagdududa pa rin sa kung ano ang pinaplano kong gawin. Napabuntong hininga akong sumagot. "Walang ibang paraan, I'll get her by hook or by crook." "What?" Sigaw ni Jayem habang naguguluhan siya sa huli kong mga salita, nagkatinginan sila ni Sean. Itinaas naman ni Sean ang mga balikat na nagsasabing 'hayaan mo lang siya' "Susubukan ko lang," sabi ko para maibsam ang pag-aalala ni Kuys. In the end ay sumang-ayon na pang siya dahil hindi na rin naman mababago pa ang isip ko. "Salamat Kuys," sagot ko at lumabas na ng kwarto. Totoo nga, nang makalabas ako ay may nakita akong ilang mga maligalig na fans sa labas ng dorm na naghihintay na lumabas ako. Sinubukan pa akong dumugin habang papasok ako sa loob ng kotse. Pero madulas pa rin ako. Pinaandar ko ang kotse at tinitiyak na walang paparazzi ang maaaring sumunod sa akin sa pupuntahan ko. Angel imperial, I'm coming. Please be good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD