CHAPTER 10

1742 Words
Eunice del Fuente Nandito kaming apat sa field dahil masyado kaming napaaga sa pagpasok.  "Anong sabi sa inyo ni Dean, Denice-girl?" tanong ni Bea habang kinakain yung sitsirya na binili namin kanina.  "Alam mo bang galit na galit si Dean kahapon, sis?" singit naman ni Shayne sa usapan nila. Ang OA maki-singit nitong ni Shayne. Hindi nagalit si Dean, sobrang bait nga ng lolo nila Eric e. "Sinabi ko lang kung ano yung totoo, na nadamay lang ang Apo niya sa alitan namin," gulat naming nilingon si Ate. Ugali niya talaga 'yan. Sabi ko na lang sa isip ko.  "Pero sis, ang sabi nila kaya raw ginawa 'yun ni Carl dahil sinusulot ni David ang jowa niya," dagdag naman ni Shayne. Iba talaga pag-iisip ni Carl, akala niya ata ay sinusulot ni David ang girlfriend niya pero ang totoo ay si Keisha talaga ang naghahabol kay David. Tsktsk. "Nagiging chismosa ka na, Shayne-girl. Nakakahawa ba si JV?" pang-aasar naman na sabi ni Bea. Natawa na lang kaming tatlo sa naging reaction ni Shayne.  "Huy grabe, 'di naman chismoso si JV ah?" nakangusong sambit nya kay Bea.  Bumaling naman siya kay Ate, "...ano nang gagawin mo nyan, sis?" "Kung ganoon nga ang rason niya, ay napakawalang kwenta ng dahilan niya at walang katotohanan ang mga nirarason niya para gawin yung bagay na 'yun. Pero kung higit pa ro'n ang gagawin niya, depende na lang sa mood ko," walang gana at walang emosyong sabi pa ni Ate samin. ----- Nasa klase na kami at nandito na rin si Mr. Pagaron ang Professor namin sa Literature Subject. In-announce na highest si Ate sa lahat ng quiz na tinake nya. Todo aral din naman kasi. "Ang taray naman ni bakla! Dapat siguro ay mabugbog din tayo para highest rin tayo!" sigaw ni Daniel at nagtawanan ang lahat sa sinabi niya.  "Jusko, Daniel! Kahit mag-agaw buhay ka pa ay hindi ka magiging highest!" sigaw naman ng kaibigan niyang babae.  "Excuse me! Daniella! Daniella ang pangalan ko. Duh!" umugong ng tawanan ang classroom dahil sa kanilang dalawa, miski si Mr. Pagaron ay nakisabay sa tawanan naming lahat. Natapos ang klase namin kay Mr. Pagaron nang maaga dahil meron pa raw silang meeting. "Hoy! Libre naman diyan!" pabirong sigaw ni JV sa ate ko at sabay-sabay silang pumunta sa gawi namin. Magkalapit lang naman ang pwesto ng mga upuan namin. 'Di siya pinansin ni Ate at nagpauna nang pumunta sa locker.  "Tara sundan natin. Baka mapano pa 'yon!" sabi bigla ni JV. Nasa kabilang building ang locker niya kaya naman medyo malayo iyon.  Naabutan namin na kausap ni Ate ang grupo nina Keisha at nandoon rin si Carl.  "Wala akong pakialam sa pagkatao mo, ang gusto ko lang ay umalis ka na rito sa eskwelahan na 'to!" magkaharap silang dalawa ni Keisha.  "Ayos lang. 'Di rin naman ako interesado sa inyo at kung aalis man ako rito, gusto ko mauna kayo," sabi ni Ate sabay alis sa harapan nila. "Masyado kang mayabang!" pahabol na sigaw ni Keisha sa ate ko. 'Di siya pinansin nito at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.  Mukhang nagpapansin nanaman ang Keisha na 'yun kay Ate dahil halata naman sa itsura ni Ate na walang gana siya kung makipag-usap kay Keisha. Denice del Fuente Pagkatapos ng eksena sa locker ay dumeretso na 'ko sa canteen dahil nagugutom na 'ko kahit maaga pa naman. Umorder na ako at kumain nang tahimik, iniisip ko yung bagay na binigay nina Joseph at Justine sakin na sinadya pa nilang ihatid dito. *(nasa chapter 7 ito banda)*.  Isang flashdrive iyon na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aking ina. Hindi man ako humihingi ng tulong ay alam na ng mga pinsan ko kung ano ang nais kong malaman. Napakagaling! Malalim ang pag-iisip ko kaya 'di ko napansin ang pagdating ng mga kaibigan ko. Tinanong nila ako kung ayos ba ako imbis na sumagot ay nginitian ko na lang sila. Tahimik kaming umakyat patungo sa klasrum namin, wala ni isa ang nagtanong o kumausap sakin. Miski si David na katabi ko lang ay tahimik lang din na pinagmamasdan ang mga kasama namin na nagkukulitan. Masyado nanaman akong binibigyan ng oras nung Keisha na 'yun. Kung wala lang akong dahilan para lumipat sa school na 'to ay hindi naman talaga ako lilipat. Kung hindi lang din siguro rito nag-aaral ang mga kaibigan ko na shareholder ang mga magulang nila sa kumpanya namin ay baka wala rin ako rito. Biglang huminto si David sa paglalakad kaya naman ay napalingon ako sa gawi niya. Naka-kunot noo akong nakatingin sa kaniya. Problema nito? "Okay ka lang ba?" tumango na lang ako bilang tugon. At nagpatuloy na lang sa paglalakad. Wala ako sa mood ngayon ha, hays. Tapos dinagdagan pa ng Keisha na 'yun ang pagkabagot ng araw ko. David Stewart After scene sa locker at after namin kumain sa canteen ay kapansin-pansin na ang pananahimik ni Denice. Ang sabi sakin ni Eunice ay hayaan na muna ang kapatid niya. Dahil baka magalit lang daw siya sakin. Naglalakad na kami pabalik sa klasrum, 'di ko talaga napigilan ang aking sarili kaya naman ay huminto ako sa paglalakad, napatigil at napalingon sakin si Denice. "Okay ka lang ba?" kunot-noo at may halong pag-aalala sa tanong ko, tango ang nagsilbing kasagutan niya sa tanong ko atsaka siya dumeretso sa paglalakad. Napatingin ako sa likuran niya, medyo nangangayayat na siya. Nasa room na kami at sakto ring dumating ang prof namin sa Marketing. Habang nagle-lesson si Ma'am ay napapansin kong masyadong tahimik si Denice, napakalalim ng kaniyang iniisip. ----- Natapos ang klase na ganoon lamang ang kalagayan ni Denice. Hindi ko na rin siya tinanong pa dahil mukhang seryoso ang kaniyang pag-iisip. Mahirap na, baka sakin pa magalit. Pagkauwi ko sa bahay isang masigla at malaking bungisngis ang sumalubong sakin. Ba't naman kaya masaya 'tong si mommy? Tanong ko sa aking sarili. "Anaaaak! Kumusta ang araw mo ngayon? Ba't lukot na lukot 'yang pagmumukha mo? May nangyare ba?" madami at sunod-sunod na tanong sakin ni Mommy. Nginitian ko na lamang sya bilang tugon at dumeretso na 'ko papunta sa kwarto ko.  "Okay, you're not in the mood.." pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagbihis at nakatulog na. Beatrix Taller "So, what happened to you Denice-girl? You look miserable." "Kaya nga ate, ano bang iniisip mo? Kanina ka pa namin napapansin na ang lalim ng iniisip mo." "Oo sis, kami tuloy kinukulit ni David kanina. Ewan ko ba dun, parang 'di matae itsura nya kanina nung nakatulala ka lang sa buong klase natin," Isa-isa naming tanong kay Denice-girl pero isa rin samin ay hindi nya pinansin. Nandito kami ngayon sa Apartment ni Denice, dito muna kami tumambay tutal maaga naman nagdismiss. Balak sana naming mag-SM kaso si Denice ay hindi okay. "Don't worry, girls. Okay lang ako." ----- After naming kumain nagkayayaan na rin kaming umuwi. May narinig kaming busina ng sasakyan sa labas, at dahil kilala ko kung kaninong sasakyan 'yon ay nagmadali akong lumabas. "Honeeeeeeey! What brought you here? Sinusundo mo ba ko?" opssie, 'di lang pala bebe ko ang nandito kumpleto pala silang apat.  "Hi Bea!" masiglang pagbati sakin ni JV. May bitbit itong isang plastik at sa tingin ko, alak ang laman.  "Nagdala kami ng maiinom dahil dapat nating damayan ang kalungkutan ni Denice," natatawang sabi ni Eric sakin sabay pasok sa loob. Isa-isa na kaming uupo sa sahig nang biglang nagsalita si Denice-girl. "Anong ginagawa niyo rito?" seryosong tanong ni Denice-girl habang pinapaikot ang tingin sa apat na lalaki.  "Akala ko ba umuwi na kayo?" tanong niya ulit habang samin naman nakatingin. Tumingin ako kay Eunice-girl at yung tingin na 'yon ay alam na niya ang ibig sabihin. "Oh ate, chill lang. Ayaw mo no'n bonding nating walo 'to," sabi ni Eunice-girl habang sumesenyas na umupo na kami at saka lumapit sa Ate niya na pababa palang sa hagdan.  "Tsaka ate, hindi ka okay kaya naman tinext ko sila na pumunta rito at mag-inuman tayo hehe. tutal wala naman tayong pasok bukas dahil may seminars ang mga professors," mahabang pagpapaliwanag ni Eunice-girl sa Ate niya. "Kailan ka pa natutong uminom? At kailan mo rin natutunan na kapag may problema, alak ang solusyon?" seryosong tanong naman ni Denice-girl. Kinabahan kaming lahat sa tinanong niya. Hindi na lang sumagot si Eunice-girl ngumiti at nag-peace sign na lang siya. Shayne Candice Villamore Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Pagkamulat ng mata ko ay agad kong nilibot ang aking paningin sa bawat sulok ng bahay nina Denice. Nagulat ako pagkatingin ko sa sofa, gising na gising si Denice at Eunice na para bang 'di sila uminom kagabi. Tinignan ko naman si Bea na mahimbing ang pagkakatulog sa tabi ni Cedric. Sus Bea, 'pag nalaman 'yan ng magulang mo yari ka ahahahaha.  Tinignan ko rin sina bebe at Eric na magkayakap sa sahig. Ano ba naman yan, parang sila ang magjowa. Si David naman ay nakapwesto malapit sa cr.. HA? SA CR? ANO NAMANG GINAGAWA NYAN SA PINTO NG CR? BA'T DUN SIYA NATUTULOG?! sabi na nga ba ay may pagkasiraulo rin yung taong 'yun e. tsktsk. "So, ano nang plano mo niyan Ate?" rinig kong tanong ni Eunice kay Denice. Ano kayang pinag-uusapan nila? hmmmmm "Hindi ko pa alam, pagtatagpi-tagpiin ko na muna ang mga impormasyon na nalalaman ko. At kapag naayos ko na tsaka ako mag-iisip ng plano. Pero sa ngayon, kayo muna priority ko," sagot naman ni Denice sa seryosong boses. "Bakit sis, sira ba yung impormasyon at kailangan mong pagtagpi-tagpiin? Nako, may glue kami sa bahay!" pagsingit ko sa usapan nilang dalawa. Sabay naman silang lumingon sa gawi ko, at bakas sa itsura nila ang pagkagulat. bakit kaya?? "Shayne, kailan ka pa naging tsismosa ha? Naging kayo lang ng JV na 'yan naging ganyan ka na ha, tumatalas na ang pandinig mo sa usapan ng iba," mahabang sabi naman ni Eunice sakin. Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Kumamot na lang ako sa ulo tas pilit na ngiti na lang ginawa ko para 'di halatang 'di ko naintindihan sinabi niya, heheheh. Habang natutulog pa sila, nagluto na muna si Eunice at naglinis naman ako. Sobrang kalat naman dito, ganto pala pag nag-iinuman. Buti na lang 'di ako nagyayaya ng ganto sa bahay. syempre, yari rin ako kina daddy hehehe "Hmmmm ang bango naman ng niluluto mo, sis!" sabi ko sabay langhap sa niluluto niya. Isa-isa na silang nagising at tulad ko, naramdaman din nila yung sakit ng ulo pagkagising. -------- -END OF CHAPTER 10-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD