ASHLEEN POV
'' masayang nag tatawanan ang tatlo sa hapag kainan ng dumating si calven ,
'' buti dumating kapa kala ko hindi muna naman kami sisiputin palatak ni helen sa apo, dahil dati naka ilang set up na ang mag asawa laging may palusot si calven ngunit pinagbiyan lang nila, dahil iniisip din ng mag asawa na hindi pa nila masyadong kilala ang isat isat, kaya hinayaan nilang sila na ang mag kita ngunit laging busy si calven sa trabaho, sunod sunod ang business trip nito, pangalawang imbita na nila sa dalawa ngayon tapos na ang kasal saka lang pumayag si calven na pumunta,
pwedi ba iyon lola, sabay halik niya pisnge ni helen,
' maupo kana at kumain calven habang mainit pa ang mga pagkain saad ni Romeo.
'' siya nga pala apo kamusta ang honeymoon nyo ni ashleeen!? tanong ni Helen kay calven,
" nabigla silang dalawa sa tanong ng matanda na kapwa pareho silang halos Hindi manguya ang pagkain nasa bibig nila'!?
“ahm maayos naman po Lola ang lahat nong habing iyon pag sisinungaling ni calven,
"dapat lang apo at hindi na kami makapag hintay ng lolo mo sa magiging apo namin, tama yan sweetheart maging ako man ay nasasabik ng mag ka apo,,
“isang kirot mula sa puso ang naramdaman ni ashleeen sa mga gustong mangyare ng mga Del viga, gusto nilang mag kaanak na kami ni calven, ngunit paano mangyayare yon kung si calven mismo ang ayaw sa kanya, dahil ang honeymoon na tinutukoy nila ay hindi nangyare, saka nilang dalawa,
'' pag katapos nila kumain biglang hinawakan ni calven ang hita ni ashleeen ng madiin mula sa ilalim ng lamisa,
''kasabay non ay ang isang pekeng ngiti ni calven na naka harap sa kanya.
" Ashleeen sumunod ka saakin may sasabihin lang ako!., ang tila malambing na boses sa harapan ng mag asawang del viga ang pinakawalan ni calven,,
kaagad namang sumunod si ashleeen sa lalaki.
'' nalaman na kaya niya na nag tatrabaho ako sa hospital at ito ang pag uusapan namin. mabilis ang kabog ng dibdib ni ashleeen habang nag lalakad ito patungo sa isang room kung saan natatanaw into si calven na mukang nag titimpi ng galit kanina pa,
''Ano ba ang sasabihin mo saakin, isang matikas na boses ang binitawan ni ashleeen, pero hindi parin nag bago ang pustura ng lalaki,
'' kaagad tumayo si calven at biglang hinatak ang mga braso niya patalikod,
“Akala mo ba hindi ko malalaman na ikaw ang nag utos na gawin yon saakin Ashleeen light Fabrigas, sagutin mo ako madiin niyang singhap sa tainga ng ni ashleen mula sa likod, nasaan ka nong gabing iyon,nag hahanap kaba ng mga taong papatay saakin . sumagot ka
' Ano bang pinag sasabi mo dyan calven,
baka hindi mo natatandaan na nasa casa hotel ako at hindi ka sumipot sa honeymoon natin, kaya wag mo akong pag bibintangan ng ganyan,
nasasaktan ako bitawan mo nga ako arayyy nasasaktan ako, paulit ulit siyang
nag pumiglas kasabay ng pag katanggal ng mga braso ni calven sa katawan niya, isang mahapdi ang naramdaman niya mula sa ulo nito,
"'Ahhgg..aray...ano ba calven kakalbuhin mo ba ako pasigaw niyang sabi dahil hawak ng lalaki ang mga buhok niya,
'' agad napabitaw si calven sa pag kakahawak sa buhok ni ashleeen ng makita niyang may kaparehong pulang marka sa leeg si ashleeen sa babaeng tumolong sa kanya sa hospital nong gabing iyon, pero si kathy nalilito niyang bulong sa sarili,
'' Napano yan! sabay turo nito ang pulang marka sa leeg niya,
'wala kana doon at isa pa hindi maganda yang binintang mo saakin,
anong tingin mo saakin kayang gawin yon sayo, calven galit ako sayo pero hindi ko kayang gawin yong mag papatay ng tao,
sabay kuha niya ng bag mula sa sahig at umalis,
''Ashleeen apo aalis kana ba tanong ni romeo sa babaeng nag hahagos ng lakad palabas ng mansion, hindi sila nag pang abot dahil medyo malayo pa siya ng makita at tawagin niya ashleen, kaya hindi siya na pansin ng babae.
'' naka estatwang naiwan si calven sa boung room.
iniisip parin ang markang kapareho sa babaeng nasa hospital,
“imposibling andon sya hindi naman nag tatrabaho si ashleeen sa hospital at isa pa may kumpanya siyang pinapatakbo, bulong niya sa sarili na litong lito parin sa mga pangyayare,
''
'' kinuha niyang ang telepono mula sa bulsa at tinawagan si jack.
.'['' hello sir calven' kilangan nyo po ako!? sagot nito sa kabilang linya,
'may ipapagawa ako sayo, gawin mo ng tama jack, wag kang mag kakamali sa ipapagawa ko,
[''yes sir gagawin ko po! wala pa naman po akong nagawa na hindi tama sa inyo at palpak saad niya, sa amo
'' gusto kong tingnan mo si kathy kung may pulang marka sa leeg at sabihin mo kaagad saakin ang malalaman mo,.
''[yes sir calven copy po' gagawin ko yan,
'' pag baba ng tawag ni calven''
kaagad naman nag kamot ng ulo si jack, ano kayang problema non
sa halos sampong taon kung naninilbihan sa mga del viga, ngayon lang yon nagkaganun sambit ni Jack habang papalapit sa sasakyan,
''. Calven.. Calven!.. tawag ni romeo sa apo.
''Lolo nandito pa po ako,
ano pang ginagawa mo rito akala ko umalis kana kasabay si ashleeen bakit ganun ang mukha ng asawa mo nag away ba kayo?
"' hindi naman po lolo pag sisinungaling niya
'Hala sige sundan mo at dilikado na mag lakad sa gabi at gusto ko doon na kayo tumira sa bahay mo ng magkasama sa susunod na linggo,
'' nanlaki ang mga mata ni calven sa tinuran ng matanda. Lolo naman masyado pa yatang maaga para dyan, hayaan nating si Ashleen mismo ang uuwe sa bahay ko,
''Aba' y ikaw ang lalaki ikaw ang mag susundo sa kanya para doon na tumira at isa pa kasal na kayo wala ng masama kung doon sya titira sa bahay mo,
'' pero lolo hindi ba mabilis masyado wala pang isang linggo kaming kasal,
lilipat na sya sa bahay ko' Malay mo hindi parin siya ready na mag sama kami sa iisang bahay, at isa pa walang ibang nakakaalam na kasal kami at may asawa na ako,pag dadahilan niya
'' Hayaan mo ako ang mag sasabi sa publiko na may asawa ka at kasal kana kung yan lang ang problema mo calven,
pero lolo!.
''wala ng pero pero, calven kung ayaw mong ipatira sa bahay mo si Ashleen
susunduin mo sya sa susunod na linggo, maliwanag ba iyon apo,
''opo ako na ang susundo' kunot noo niyang sabi sa matanda.
dahil kahit kilan hindi siya mananalo dito, kilala niya ang lolo romeo niya, buo na ang pasya nito.
simula ng mamatay ang mga magulang nito ay ang lolo at Lola na niya ang halos nag palaki sa kanya kaya wala siyang ibang susundin kundi ang mga ito.