ASHLEEN POV Para akong nanalo ng loto sa pamilya ni calven kahit paulit ulit ko itong tanggihan hindi ko magawang tanggihan ang mga ito. ang kanyang lolo at lola sila nalang ang natitirang tao na may malasakit saakin, Sana nga Ganun din si calven pero kabaliktaran siya, kung gaano ka bait ang lolo at lola niya syang kabaliktaran sa apo. Ashleen iha, ito ang babagay sayo isang royal blue na long dress ang kinuha ni ninang beth at iniabot saakin. Alam mo sa tagal ko nang isang fashion designer ikaw ang bukod tanging hindi mahirap hanapan ng babagay nag dress halos lahat bagay sayo kahit anong isout mo, At isa pa nakalimutan kong ipakita sayo ito maging ako man naging excited narin kanina. Isang maliit na table ang tinutulak tulak nito papunta sa harapan ko, Ninang Ano nanaman po iyan?

