"Lotus bilisan mo na jan at malelate kana"sigaw ng Nanay ko."Sandali lang Nay nagbibihis pa ako"Iwan ko ba dito sa Nanay ko,kong bakit pinagmamadali niya ako sigurado naman ako na hindi ako malelate sa first day of school ko dahil six am pa naman.Ito ang unang araw ko sa highschool excited ako ngunit mayroon ring kaba sa aking dibdib.
"Nay andyan na po ba si Ivory?"Nasaan na kaya ang babaeng iyon?,pagkatapos kong magbihis at kumain inintay ko muna si Ivory dahil sabay kaming papasok sa paaralan."Tehh andito na ako!!!!"malakas na sigaw ni Ivory mula sa labas na bahay namin."Hoy Ivory bakit ang tagal mo?"tanong ko kay Ivory na nakataas ang isa kong kilay.
"Pasensya kana tehh matagal kasi akong nagising ehh"
Huwag na kayong mag-away jan umalis na kayo para hindi kayo malate sigaw ng Nanay ko.
"Opo Nay aalis na kami ni Ivory"
"Sige mag-iingat kayo,huwag na huwag kayong magtutulakan sa kalsada kapag dumadaan kayo,naintindihan niyo ba?"
"naiintindhan po namin"sabay naming sabi ni Ivory.
"Huwag kayong mag-alala tita alaalagaan ko po itong best friend ko na maldita "Sabi ni Ivory sabay ng kanyang malakas na tawa.
"Tumigil ka nga Ivory,hindi naman Ikaw ang mag-aalaga sa akin dahil sa huli baliktad ang palaging nangyayari Ako Ang nag-aalaga sayo"
"Oo na tama ka na hahahaha umalis na tayo dahil baka nga malate tayo"
"Nay alis na po kami mag-iingat din po kayo ni Lola dito sa bahay.