Blood 3: Circle of Royalties

1213 Words
Xena POV         Pag dating namin sa cafeteria ay biglang na tahimik lahat. Anyari sa kanila? Pandin ko ang mga tingin nila sa akin. Mabuti na lang nakakabasa ako ng isi         'Bakit ba kasi naisipan pa nila mom and dad na papasukin siya dito sa BVA?' Xandra's though         'Aish . . . magiging taga alaga pa ata kami.' Xeron's though         'She's not belong here, A human? What a shame!' Other vampires         Siguro kung yung iba ok lang. Pero yung sarili ko pang mga kapatid? Masakit dre! Kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi totoo lahat ng iniisip nila.         Napansin kong nakatingin sa akin si kuya Xenon, ate Xyrille at Ysa. Nginitian ko na lang sila ng tipid at kunwari ay nahihiya.         "Ahm... Mag c-CR lang ako saglit. Babalik din ako kaagad." Paalam ko sa kanila.         "Samahan na kita?" Si Ysa.         "Huwag! I mean hindi na kailangan. Kaya ko naman mag-isa." Tanggi ko.         Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Agad na akong naglakad palabas ng cafeteria.         Dumeritso ako sa likod na bahagi ng campus. Napatingin ako sa isang malagong puno ng talampas.         Pagkaupo ko sa lilim ng puno ay napangiti ako ng mapait.         Ganon ba talaga ang pagka disgusto nila sa akin? Dahil naiiba ako? Dahil ba akala nila ay mortal ako?         Pinahid ko ang luhang lumandas sa magkabila kong pisngi.         Hindi ko namalayang pinaglalaruan ko na sa aking mga palad ang isang fire ball. Parang nawalan ako ng ganang pumasok. Pero kailangan, baka kung ano pa ang isipin nila.         Pinaglaho ko ang fire ball sa aking palad saka tumayo at nagteleport papuntang CR. Mahirap na. *** Xenon POV         Alam kong pabigat lang ang tingin nila kay Xena. Pero wala akong pakialam sa kanila. Masyado silang mapanghusga at nakakainis na pati ba naman sarili naming mga kapatid.         I love my little sister very much. Para sa akin ay isa siyang babasaging crystal na dapat ingatan.         Sa aming magkakapatid, si Xena ang pinaka close ko, kasunod si Xyrille.         Ni mins an ay hindi ko pa narinig na nagreklamo siya o sinumbatan ang kahit sino. Pasalamat na lang ako dahil hindi na nabasa ang isip ng mga nakapaligid sa kanya. Masyadong inosente ang kapatid ko.         "Ahm... Mag c-CR lang ako saglit. Babalik din ako kaagad." Paalam niya.         "Samahan na kita." Prisinta ni Ysa. Kaso tumangi siya.         Hindi ko alam, pero parang may nag uudyok saakin na sundan siya.         Napatingin muna ako sa mga Royalties na nasa isang table kasama ang mga kapatid ko. Alam kong nabasa rin nila ang iniisip ng dalawa kong kapatid. Base in their facial expression.         Napabuntong hininga na lang ako bago nagteleport para sundan si bunso.         Pinakiramdaman ko kung nasaan siya. Napakunot ang aking nito ng mapagtanto kong wala siya sa CR. Hindi siya doon nagtungo, kundi sa magubat na bahagi sa likod ng campus.         s**t!         Baka kung anong mangyari sa kanya.         Pagdating ko doon ay natigilan ako nang makita ko siya. 'Is she crying?'         I to read her thoughts but I can't. Parang may barrier na nakaharang doon. Pero mas nagulat ako sa sumunod kong nakita.         She's playing a fireball in her hand...         ' What is the meaning of this?'         In the next moment. Kung may ilalaki pa ang pakamulagat ko ay hindi ko na alam. Because after she stand ay bigla na lang siya naglahong parang bula.         Pusibli kayang--- Pero?         Hindi ko alam kong ano ang dapat kong isipin. May nililihim ba saamin ang kapatid ko? May hindi ba kami alam? Yung nakita ko, totoo ba ang lahat nang yun?         Lutang ang isip ko na bumalik sa cafeteria. Pagbalik ko ay naroroon na siya at normal lang ang kilos. Parang dati, noong hindi ko pa nakakita ang bagay na iyon.         I need to talk to her. I want to know if lahat ng nakita ko ay totoo. Kung siya ba talaga iyon o hindi. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako namamalikmata lang. Na siya talaga yung nakita ko.         "Hey! Dude, saang ka ba nanggaling at angtagal mo. Kanina pa nakabalik dito ang kapatid mo." It's Jared Culens. Isa rin sa mga Royalties. Second Royalties to be exact.         Napabuntong hininga na lang ako at hindi siya sinagot. *** Xena POV         Nang makabalik ako sa cafeteria ay agad akong tinawag ni Ysa. Ipinakilala din niya ako sa mga naroroon na mga Royalties.         "Hey! Andiyan ka na pala. Halika na rito. Tabi na lang tayo." Tawag sa'kin ni Ysa.         "Hi..." Bati sa akin nung isang girl na katabi ni Ysa. "Hiesha nga pala." Siya sabay lahad ng palad.         "Xena." Ako at nakipag kamay.         Nakilala ko rin ang iba pang Royalties in person. Although wala yung iba.         First is Hiesha Bloodstone Culens. Pinsan ni Ysa at kapatid ni Jared Culens. Another one is Britanie Grayson isa pa nilang pinsan.         Nginitian ako ni ate Xandra, pero alam kong fake iyon. While si kuya Xeron ay dead a lang.         Ayon kay Ysa, wala daw yung ibang Royalties.         Royalties, mga kilala at nakakataas sa lahat ng uri ng bampira dito sa BVA. Hari at Reyna, Prinsipe at prinsesa kung ituring nang mga bampira.         Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga. Nang mapatingin ako kay kuya Xenon ay tila ang lalim ng iniisip niya. And because curiosity kills the cat nga daw. I try to read his mind. Dahilan para masamid ako sa iniinom kong juice.         "Ok ka lang ba Xena?" Si Hiesha na halatang nag-aalala.         "O-ok lang ako." Tipid ko siyang nginitian habang inabutan naman ako nang isang baso ng tubig ni kuya Xenon.         "Dahan-dahan lang kasi." Kuya Xenon         "Sorry naman daw po." Aniko na lang at alanganing nginitian siya. *** Hiesha POV         Hi readers, gorgeous Hiesha is here. *smirk* I'm Hiesha Bloodstone Culens. Isa sa mga Royalties at kapatid ko si Jared.         Nang makilala ko si Xena, I can say na mabait siya.         Nang mag shake hands kaming dalawa, napansin kong naka tingin silang lahat saakin. Then I remember why... Kasi once na nahawakan ko sa kamay ang isang nilalang ay nababasa ko ang hinaharap niya. Pero nagulat ako kay Xena.         ' Bakit ganon?'         Blanko ang sa kanya. Wala akong makitang kahit na ano. Either from her past nether her future. Para bang may humaharang sa ability ko. And this is the first time na manyari ito sa akin.         'May problema ba Hiesha?' Mind link saakin ni Ysa.         'Bakit ganon? Wala akong makita kay Xena? Parang may humaharang sa kakayanan ko!' Hindi parin makapaniwalang sagot ko sakanya.         'What do you mean?'         Nagkibit balikat na lang ako.         Napatingin ako kay Xena at napansin ko na bigla siyang namutla at nasamid sa iniinom niyang juice.         Bakit parang may mali?         Ipinag sa walang bahala ko na lang ito. Saka ko na lang po-problemahin ang mga bagay bagay na napapansin ko.         Pero sadyang makulit ata ang aking mga mata na mapanghinala. Pagtingin ko kay Xenon, parang may iba sa tingin niya kay Xena. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. ••••••••••••••To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD