Masakit ang ulo ni Winter nang bumalik ang kanyang ulirat. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakapikit bago dahan-dahan na iminulat ang kanyang mga mata. Napakurap-kurap siya hanggang sa naging klaro ang paligid.
Bumungad sa kanya ang kulay abong kisame. Where is she? Nangunot ang kanyang noo habang inaalala ang nangyari. Nang sumagi sa isipan niya ang bus at ang kanyang mga estudyante ay marahas siyang napabangon.
"Oh God! Ang mga estudyante ko!" Natataranta niyang sambit at sinubukang umalis sa kama na kinahihigaan niya subalit ganun nalang ang gulat na niya nang mapagtantong nakakadena ang kanyang mga paa!
"Anong nangyari?" Umiiyak niyang sambit habang pilit na tinatanggal ang kadena sa kanyang mga paa pero kahit anong gawin niya, wala paring nangyayari.
Hilam sa luha ang kanyang mga mata na muling inilibot ang tingin sa paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang silid. Itim ang mga kurtina ng kwarto at halos wala siyang nakikitang gamit sa loob bukod sa kama, isang bedside table, isang upuan at ilaw na nasa itaas ng kisame.
Sino ba ang nagpakidnap sa kanya?
Was it one of her father's past enemies again just like what happened to her Kuya Hurricane before?
Nang maalala niya ang nangyari sa kanyang kapatid ay hindi niya maiwasang panayuan ng balahibo sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung nasaan siya. Wala din sa kanya ang cellphone niya. All her accessories that has trackers were also removed!
She's helpless...
Wala na siyang ibang magagawa pa kundi ang magdasal nalang na sana mahanap siya ng kanyang daddy at mga kapatid bago pa may masamang mangyari sa kanya.
Ilang sandali pa'y bumukas ang pintuan ng silid. Napaatras siya hanggang sa tumama ang kanyang likuran sa paanan ng kama. Isang babae na sa hula niya ay nasa mga edad kwarenta na ang pumasok at may dalang tray ng pagkain. Nagsumiksik naman siya sa kinauupuan niya sa takot na baka may gawin ito sa kanya.
Napapitlag siya nang ilagay ng ginang ang tray sa sahig bago ito nagsalita. "Kumain ka na."
Napasulyap naman siya sa inihanda nito. Isang plato ng kanin at sabaw lang ang naroon saka isang basong tubig.
"P—pwede po ba akong magtanong?" Mahina niyang bigkas.
"Wala akong panahon para sa mga tanong mo. Kumain ka na dahil kung ayaw mo, kukunin ko na to at bahala ka ng magutom. Paalalahanan lang kita, isang beses kalang kakain sa loob ng isang araw."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Isang beses sa isang araw tapos kanin at sabaw lang?
"Ate... Nasaan po ba ako? Anong lugar to? Tsaka bakit niyo ako kinidnap?"
Tila nainis naman ito sa sunod-sunod niyang pagtatanong kaya naman padabog nitong dinampot ang tray at tumayo na. "Kung ayaw mong kumain, lalabas na ako. At wag kang mag-alala, masasagot din ang lahat ng katarungan mo kapag dumating na ang boss ko."
Pinanood niya ang pag-alis nito hanggang sa isinara na nito ang pinto at naiwan siyang mag-isa. Muling namalisbis ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Labis na kalungkutan at takot ang nararamdaman niya.
She was alone in a place where she didn't know where, with the people she hadn't met in her entire life. Simple lang naman ang gusto niya, ang magturo sa academy at magpasaya ng mga bata. Subalit bakit bigla nalang siyang nakidnap?
Nagpatuloy siya sa pag-iyak at hindi niya namalayan na muli na pala siyang nakatulog. Nagising nalang siya sa pangalawang beses nang makarinig siya ng kaluskos. Nagmulat siya ng mga mata at nakita ang dalawang lalaki na pumasok sa silid na kinaroroonan niya ay naglakad palapit sa kanya.
"A—anong gagawin ninyo sakin?" Nagtataranta niyang tanong at akmang iiwas sa mga ito subalit mabilis lang siyang nahawakan ng isa.
"Sino ba kayo? Wala akong kasalanan sa inyo... Please Kuya... Pakawalan niyo na po ako... Hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Gusto ko lang po talagang umuwi," puno ng pagsusumamo niyang wika.
Hindi sumagot ang mga ito at basta nalang kinalagan ang kanyang mga paa. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag subalit nagulat nalang siya nang tinalian nito ang kanyang mga kamay.
"K—kuya... K—kuya wala po akong ginawang masama sa inyo. Please po gusto ko na pong umuuwi... Gusto ko na pong umuwi," humahagulgol na niyang sambit.
"Wag ka ng magulo at sumama ka nalang samin!" Singhal nito sa kanya at marahas siyang kinaladkad palabas ng silid.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod sa mga ito. Wala rin naman siyang magagawa kahit na magmatigas. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag sumuway siya sa mga ito.
Ilang nakasarang silid ang nadaanan nila hanggang sa sumakay sila sa elevator paakyat. Saka lang niya napagtanto na nasa underground pala siya kanina.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay mas lalo lang siyang kinabahan. Muli siyang kinaladkad ng dalawang lalaki hanggang sa tumapat sila sa isang malaking pintuan.
May dalawang taong nakabantay sa pinto. Nang dumating sila ay tinanguan ito ng isa sa mga lalaki na sumundo sa kanya. Yumuko naman ito at binuksan ang pinto. Itinulak siya ng dalawang lalaki papasok dahilan para mapasubsob siya sa sahig.
Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili bago dahan-dahan na nag-angat ng tingin. Bumungad sa kanya ang deep dark green na ambience ng buong paligid. At base sa kagamitan na nakikita niya, mga mamahalin ang muwebles ng buong silid.
At ang higit na nakakuha ng kanyang pansin ay ang nagniningning na kulay green na pentagon shape sa dingding. Nangunot ang kanyang noo. Pamilyar sa kanya ang hugis. Parang nakita na niya iyon. Hindi nga lang niya maalala kung saan.
Ilang sandali pa'y napapitlag siya nang lumitaw sa harapan niya ang isang lalaki. Mataman niya itong tinitigan. Nakasuot lang ito ng itim na roba habang may hawak na baso ng alak sa kanan nitong kamay.
Ni hindi man lang ito nag-abala na takpan ng maayos ang katawan nito. Hindi siya sigurado kung sinasadya ba nitong ibalandra sa harapan niya. Well, maganda din naman kasi ang katawan nito. He got abs! At sa hindi sinasadya ay dumako ang kanyang mga mata sa nakaumbok sa ilalim ng suot nitong shorts. It's really not her intention to look at it but it happened to be so noticeable.
Ito ba ang kumidnap sa kanya?
Pero bakit? Sa pagkakaalala niya, ito ang unang beses na nakita niya ang lalaki kaya sigurado siyang wala siyang kasalanan dito.
Dumako ang tingin ng lalaki sa gawi niya. Kita niya ang pagtalim ng mga mata nito na para bang may nagawa siyang isang napakalaking kasalanan. Napalunok siya pa siya dahil sa kaba habang unti-unti itong naglalakad palapit sa gawi niya.
At dahil medyo dim light ang silid, saka lang niya napansin ang kakaibang mga mata nito nang makalapit ito sa kanya.
"Y—you're eyes..." Wala sa sarili niyang sambit.
"What about it? Does it scare you?"
Napalunok siya ng ilang beses nang marinig ang boses nito. It's deep and manly that made her so curious why did he took her.
"No. They're unique… and pretty."
The color of his left eye is black while it's ocean blue on the other side. Yun nga lang, may maliit itong peklat sa bandang kaliwa ng mata. Maihahalintulad niya iyon sa peklat gawa ng sugat mula sa isang matalas na patalim. But regardless of it all, she can't deny the fact that he's handsome, more like a villainous and brusque type?
The stranger let out as sexy chuckle. Umupo na ito sa sofa na nasa harapan niya habang siya, nanatiling nakaluhod sa sahig.
"That's the first time I heard someone complimented my eyes," kaswal nitong wika bago muling nilagok ang alak sa baso nito.
Mataman naman niyang pinagmasdan ang lalaki bago siya naglakas loob na nagtanong. "S—sino ka ba? Tsaka bakit mo ako dinala dito?"
Sinuyod din siya nito ng tingin bago ito sumandal sa upuan. "Sino ako... How will I answer you that? Should I say, I am your kidnapper?" Nakangisi nitong wika.
Unti-unting nagunot ang kanyang noo. Kung ang lalaki ang kumidnap sa kanya, pwes ito rin ang nag-utos na ipasunog ang bus na naglalaman ng mga estudyante niya?!
"Y—you killed the children?" Mahina niyang sambit kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
"Oh, are you sad?" Tanong nito na para bang wala lang sa lalaki ang ginawa nito.
"Ano ba sa tingin mo ang nararamdaman ko! You killed those innocent lives! Ano bang kasalanan ko at ng mga bata sayo?!"
Hindi na niya napigilan pa ang pagtaas ng kanyang boses. Parang pinipiga ang puso niya habang inaalala ang iyak at paghingi ng saklolo ng mga bata sa loob ng bus bago siya tuluyang nawalan ng malay. They haven't done anything wrong. Those children are innocent.
Isang mahinang tawa ang kumawala sa bibig ng lalaking kaharap niya. "What's wrong with killing them?"
"How could you do such cruel thing?!" May diin at puno ng gigil niyang wika.
Subalit tila wala namang konsensyang nararamdaman ang lalaki. Kaswal lang itong tumayo at nagsalin ng panibagong alak sa baso nitong hawak.
Naiyukom nalang niya ang kanyang mga palad. Kung kasing lakas lang siya ng mga kapatid niya, she would've fight this man pero hindi. Isa lang siyang lampa na walang alam at hindi nga kayang ipagtanggol ang sarili niya.
Mula pagkabata niya, she had a weak immune system. Weak bones. Soft heart. Kaya nga siguro ibang-iba siya sa mga kapatid niya. They're physically and emotionally fit samantalang siya, iyak lang ang tanging magagawa niya kahit gaano pa siya kagalit.
"Stop crying like this is the first time you heard such things. Kung tutuusin, kulang pa nga ang mga batang yun kung ikukumpara sa mga buhay na kinitil ng daddy mo. Those little lives can't even reach one eight of how many Rain Azrael Velasquez had killed."
Namilog ang kanyang mga mata sa narinig. "W—what do you mean?"
Muling bumalik sa pagkakaupo sa sofa ang lalaki bago ito muling nagsalita. "Isn't it obvious? You're here because of your father... just like what happened to your eldest brother. Kung anuman ang magiging kapalaran mo dito, wala kang ibang sisisihin, Miss Velasquez, kundi ang tao mismo na nagbigay ng buhay sayo. He's the root to all of this so it's natural to blame him..."
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi para patigilan ang sarili niya sa pag-iyak. Why is it because of her father again? Hanggang kailan ba sila hahabulin ng mga taong nakasagupa ng daddy niya noon?