--- Kinagabihan kung kailan nakulong sina Juancho at Enrique, nabalitaan ito ni Doña Esmeralda-pinsan ng ama ni Juancho na si Mang Tonyo. Nang malaman ito ni Doña Esmeralda, sinunggaban na niya ang pagkakataon na magamit si Juancho sa kaniyang maitim na binabalak. "Doña Esmeralda," gulat na gulat na bati ni Juancho. Nanlaki ang mga mata niya sapagkat ilang taon na ang nakalilipas noong huli silang nagkita. "Ano po ginagawa niyo rito sa presinto?", dagdag na tanong ni Juancho kay Doña Esmeralda. "Wala lang, gusto ko lamang muling masilayan ang aking pamangkin." Nagtaka si Juancho sapagkat hindi ganito ang pagkakakilala niya sa kaniyang tiyahin. "Ano na naman ang binabalak mo Tiya, este Doña Esmeralda?" "Wala simple lang, gusto ko lang tuntunin mo ang kinaroroonan ng kalaguyo ng aking

