KABANATA 5: HIMNO DE VIDA

3079 Words
"Ano ba 'yong sasabihin mo? Inistorbo mo pa talaga 'yung tulog ko ha!" iritableng sinabi ni Enrique. Hinila ko siya palabas ng bahay nina Juancho upang ipaalam ang tunay na katauhan ni Juancho, na hindi siya masamang tao. "Kanina kasi nakipagkwentuhan ako sa kapatid ni Juancho na si Elena," I said. "Oh, tapos?" Halata sa boses niya na hindi siya interesado sa mga sasabihin ko patungkol kay Juancho. "Nabalitaan kong hindi talaga masamang tao si Juancho. Sabi ko naman kasi sayo ni mabait siya diba," I said. "Paano ka naman nakasisiguro?", pang-uusisa pa ni Enrique at binigyan ako ng isang kunot na noo na may pangliliit ng mata. "Hindi mo ba napapansin 'yong mga ikinikilos niya? Ibang-iba sa kung ano ang dapat ikilos ng isang masamang tao. Buong pamilya niya tinanggap tayo kahit hindi pa nila tayo lubusang kilala." Pilit kong ipinapaniwala sa kaniya na busilak ang puso ni Juancho, hindi dahil sa iyon ang nalaman ko mula sa kapatid niya kundi iyon ang napansin ko unang pagkikita pa lamang namin. "Paano kung pagpapakitang tao lang pala ang lahat ng iyon? Baka mamaya dalhin pa tayo niyan sa kapahamakan?" Ngayon ay mas naging seryoso ang mukha ni Enrique. "Bulag ka ba o sadyang nabubulag- bulagan ka lang? Enrique, hindi tamang husgahan agad natin ang tao nang hindi natin lubusang nakikilala," pagtatanggol ko pa. "Oh, hindi pa pala natin lubusang nakikilala tapos ganyan ka na kung ipagtanggol 'yong lalaking 'yon. Ano bang pinakain sa'yo no'n at ganiyan ka na kung ipagtanggol siya?" Nagsisimula na namang mag-init sa galit si Enrique. Hindi ko na siya maintindihan. Alam kong nag-aalala lang siya sa kapakanan ko, kapakanan namin, pero hindi naman ata tamang sagarin ang panghuhusga sa kaniya, diba? "Why act like he did something wrong to you? Ano bang ginawa niya sa'yo at ganiyan ka kagalit sa kaniya? Dahil nabangga niya ako ng bisekleta niya? O dahil sinabi kong isa siyang traydor sa kasaysayan?" Unti- unti nang nangingilid ang mga luha ko. Pinunasan ko naman ito agad at saka'y tuminging muli sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot sa mga tanong ko. Bago niya ako sagutin ay pinaulanan niya ako ng isang mahigpit na yakap upang humingi ng pasensya sa naging argumento namin. "Pasensya ka na, nag-aalala lang talaga ako sa kapakanan nating dalawa rito. Hindi kasi ito 'yong panahong nakasanayan natin kaya sana maintindihan mo ako... bilang kaibigan," saad niya habang hinihimas ang likod ko mula sa aming pagkakayakap. Bahagya namang gumaan ang pakiramdam ko mula sa mainit na yakap ni Enrique. Naiintidihan ko siya kung bakit ganoon na lamang kung husgahan ni Enrique si Juancho. Unang- una dahil sa sinabi kong traydor siya sa kasaysayan, at pangalawa, laganap ang p*****n at pagtataksil sa panahong ito. Kung delikado ang panahon namin sa kasalukuyan, hindi hamak na mas delikado rito lalo pa't napaliligiran kami ng mga Kastila. Matapos ang naging pagtatalo namin ni Enrique, balak ko nang sabihin kay Juancho ang tunay na pagkatao namin ni Enrique at kung saan kami nagmula. Gusto ko munang humingi ng permiso mula kay Enrique dahil ayaw kong magalit na naman siya sa mga ikikilos ko. "Enrique... balak ko kasing...." Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko sapagkat natatakot ako sa magiging reaksyon ni Enrique. Alam kong nag-iinit pa rin siya sa galit kahit na medyo nagkaayos kami, kaya sobra akong kinakabahan. "Kasing...?" "Balak ko kasing... ipagtapat na kay Juancho kung... s-sino talaga tayo at k-kung saang panahon tayo nanggaling," nauutal- utal kong sambit. "Hmm sige, ayos lang. Ikaw bahala. Alam ko namang pinag-iisipan mo nang mabuti lahat ng mga desisyon mo kaya nagtitiwala naman ako sayo," sabi ni Enrique. "Talaga?" Biglang nanlaki mata ko sa sinabi ni Enrique. Hindi ko akalain na sasang- ayon siya sa naging desisyon ko. Sa sobrang tuwa ko ay napalundag ako at biglang napakayakap sa kanya. "Salamat talaga, Enrique." I even hugged him more tightly. "Hahaha, ayos lang 'yon," he said then chuckled. Matapos ang aming pag-uusap na ito, napagpasyahan naming bumalik na sa tahanan nina Juancho dahil baka magtaka sila sa matagal naming pagkawala sa kanilang tahanan. Habang naglalakad kami pauwi, nakasalubong namin si Elena na kasalukuyang hinahanap pala kami. "Ate Maya, nandito ho pala kayo. Kanina pa po kasi kayo hinahanap ng Kuya," malumanay na sabi ni Elena. "Pauwi na kami Elena, may pinag-usapan lang kami ni ate mo Maya," sagot ni Enrique kay Elena at binigyan niya ito ng isang malaking ngiti. Natuwa ako kung paano pinakitunguhan ni Enrique ang kapatid ni Juancho na si Elena, sa kabila ng aming pagtatalo kanina kung kaya't napangiti rin ako. "Sige po, mauna na po muna ako. Pupunta pa po kasi ako sa bayan upang kitain ang kaibigan kong si Carmina," pagpapaalam ni Elena sa amin. "Sige, walang problema. Mag-ingat ka, ha?" I replied. Nang kami ay makarating na sa tahanan nina Juancho, nakita namin siyang nakaupo sa hamba ng kanilang pintuan, nakaupo at nakatingin sa kawalan. Nang makita kami ni Juancho, pinasalubungan niya kami ng isang malaking ngiti. Sobrang ganda ng mga ngiti niya, at mas lalong lumalabas ang mababaw niyang dimple na mas nagpagwapo pa sa kaniya. "Saan kayo nanggaling? Kanina ko pa kayo hinahanap, pinahanap ko pa tuloy kayo kay Elena bago siya pumuntang bayan," sabi ni Juancho matapos tumayo upang salubungin kami. "Ah, d'yan lang kami galing sa puno malapit sa may batis. May pinag-usapan lang," sabi ni Enrique, kung kaya't napatingin naman ako sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na gan'to na niya pakitunguhan si Juancho. "Gano'n ba? Baka gusto niyo ulit ku---" Hindi na natapos ni Juancho ang kaniyang sasabihin sapagkat nagsalita agad ako. "Ah, Juancho. May... gusto sana kaming sabihin sa'yo ni Enrique." Matapos ko itong sabihin kay Juancho ay binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. "Anong sasabihin mo, Maya?", kuryosong tanong ni Juancho. "Ayos lang ba kung doon tayo mag-uusap malapit sa may batisan?", I asked him. "Walang problema," he said then smiled at us. Naglakad na kami papunta sa may batisan, malapit sa punong pinagtambayan namin ni Enrique kung saan kami nagtalo kanina. "Juancho, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin namin. Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin namin," I said. "Bakit? Ano ba ang nais niyong sabihin?", pagtataka pa ni Juancho. "Galing kaming...." "Galing kaming kasalukuyan." Si Enrique ang nagtuloy ng dapat kong sasabihin. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. "Anong galing sa kasalukuyan? Hindi ko kayo maintindihan...," sabi ni Juancho. Kita sa mukha ni Juancho ang kalituhan. "Ganito kasi 'yan, mula kami sa taong 2020. Napunta kami rito gamit ang isang mahiwagang instrumento," saad ko. "Saglit lamang, ako'y labis na nagugulumihanan sa inyong mga sinasabi," sabi ni Juancho sabay kunot ng noo. "Paanong nanggaling kayo sa kasalukuyan at napunta sa taon ngayon? Ibig niyo bang sabihin ay kami'y nagmula sa nakaraan? Ngunit papaano?" Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sunod sunod na katanungang ibinato sa amin ni Juancho. Maging ako'y nahihirapan na kung paano ito ipapaliwanag nang maayos upang lubusan niyang maintindihan. Hinila ko si Juancho pabalik sa kanilang tahanan upang kuhanin ang eternomaravillas nang sa gayon ay maintindihan na niya ang sinasabi ko. Plano kong ipakita sa kaniya ang portal sa pamamagitan ng pagtugtog ng instrumentong iyon. "Saan tayo pupunta, Maya?", tanong ni Juancho habang hinihila ko siya. Kasunod naman namin si Enrique na tumatakbo rin sa parehong daang dinaanan namin. "Pupunta tayo sa inyo, ipapaliwanag ko sa'yo nang maayos ang nais kong ipabatid sa iyo," hinihingal kong sagot kay Juancho. "Babalik na agad tayo sa bahay?" "Basta, sumunod ka na lamang." Hingal na hingal kaming tatlo nang makarating kami sa tahanan nina Juancho. Kaming tatlo ay pilit na hinahabol ang hininga. Si Enrique ay napatukod pa sa kaniyang tuhod dala ng pagod mula sa mahabang pagkakatakbo. "Bakit tayo bumalik sa aming tahanan?", Juancho asked. "Ipapakita ko sa'yo na nagsasabi kami ng totoo. Mas maiintindihan mo ang nais kong sabihin oras na ito'y makita mo na," sabi ko. Kinuha ko sa loob ng bahay nina Juancho ang eternomaravillas. Ilang minuto na akong pasikot-sikot sa kanilang bahay ngunit hindi ko ito makita. Nakita ko ang ama ni Juancho na si Mang Tonyo na ito ay hawak- hawak, galing sa likod ng bahay nila. "Hija, ito ba ang iyong hinahanap?", tanong ni Mang Tonyo sabay lahad ng eternomaravillas. "Ay opo. Maraming salamat po," pagpapasalamat ko. "Walang anuman, nasipat ko kasi iyan sa may likod ng bahay. Ginamit yata ni Elena ngunit hindi naibalik sa lugar ng kaniyang pinagkuhanan." "Sinubukan niyo po bang tugtugin?", tanong ko sa takot na baka nakita niya ang salamangka sa likod ng instrumentong ito. "Hindi naman, nalimutan ko na rin kasi kung paano kalabitin ang mga kwerdas ng vihuela dahil ilang taon na makaraang gamitin ko iyan," sagot ni Mang Tonyo na nakapagpagaan sa dibdib ko. "Salamat pong muli, alis na po kami," sabi ko sabay ngiti kay Mang Tonyo. "Sige, Hija. Mag- ingat kayong tatlo sa pupuntahan niyo," pagpapaalam pa nito. Lumabas na ako sa kanilang tahanan upang ipakita na kay Juancho ang hiwaga ng eternomaravillas. Nang ako'y makalabas na ng bahay, hindi ko sila nakita. Naglakad ako ng ilang metro mula sa kanilang bahay, at natagpuan ko silang nakasilong sa isang puno ng santol, nagpapahinga habang nag-uusap. "Pasensya na, medyo napatagal ang paglabas ko. Hinanap ko pa kasi ito sa bahay niyo, ngunit nakita naman ito ni Mang Tonyo." "Ayos lang, Maya. Pumunta na tayo sa kakahuyan bago pa kumagat ang dilim," pagpapaalala ni Enrique. Dali- dali kaming naglakad papunta sa may kakahuyan, kung saan kami napadpad sa taong ito. May kalayuan ito kung kaya't bahagya naming binilisan ang paglalakad. Lumipas ang 15 minuto ay nakarating na kami sa kakahuyan. "Ano namang gagawin natin dito sa kakahuyan?", tanong ni Juancho. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kamalay- malay sa mga nangyayari, at sigurado akong mamamangha siya sa kaniyang masisilayan. "Basta, Juancho. Tumingin ka na lamang d'yan at bahala na ang makikita mo na magpaliwanag sa iyo," I said. Pumuwesto ako sa may tapat ng dalawang puno ng Kamagong. Bago ko simulan ang pagtugtog ay bahagyang lumakas ang hampas ng hangin, na mas nakapagpaganda sa atmospera sa kakahuyan. Sinimulan ko nang tugtugin ang eternomaravillas sa tapat ng dalawang puno. Pumikit ako habang kinakalabit ang mga kwerdas upang damhin ang magandang melodiyang nagmumula sa mahiwagang instrumento. Sa kalagitnaan ng aking pagtugtog, nararamdaman ko nang unti- unting bumubukas ang portal sa pagitan ng dalawang puno. Naririnig ko na ang mga tunog na narinig ko noong una ko itong binuksan. Narinig ko ang tunog ng salaming nababasag. Mas lumalakas ang tunog na naririnig ko kapag pinagpapatuloy ko ang pagtugtog. Nang ako'y dumilat, bumungad sa harapan ko ang napakagandang portal. I was still in awe even though I saw it in second time around. Ganoon pa rin ng gandang taglay niya, tila ako'y nananaginip nang gising. Lumingon ako upang silipin ang reaksyon ng dalawa, lalo na si Juancho. Nakita ko ang manghang- manghang si Juancho. Malalim ang kaniyang pagkakatitig sa portal na nasa harapan namin. Natulala na siya sa ganda nito at tila ito'y nahahalinang lumapit. "Totoo ba itong nakikita ko? Hindi naman ako nananaginip, hindi ba?", Juancho said while still in awe. Matapos niyang sabihin ito ay marahan itong naglakad papalapit sa harapan ng portal. "Sabi ko naman sa'yo, nagsasabi kami ng totoo." Hanggang ngayon, nakadikit pa rin ang mga titig niya sa portal na nasa harapan namin. Napangiti ako sa naging reaksyon ni Juancho dahil mukha siyang batang nakapunta sa isang lugar na hindi pa niya napupuntahan. "Ngayon lamang ako nakatagpo ng isang napakagandang tanawin tulad nito." Napatingin siya sa akin nang may ngiti sa kaniyang mga labi. Sinuklian ko rin ito ng isang ngiti. Hindi maikaiila na siya ay may mabuting puso. Ang mga kilos niya ay malayong malayo sa isang traydor. "Ngayon, naniniwala ka na ba?", tanong ni Enrique kay Juancho sabay akbay sa balikat nito. "Oo, naniniwala na ako. Pero paano nangyari ang mga ito? Saan nagmula ang mahiwagang instrumento na iyan na nagawa niya kayong dalhin sa nakaraan?" "Ang instrumentong ito ay nagmula pa sa ninuno ng Papa Lolo ko. Ipinamana sa akin ito ng Lolo ko makaraang mamatay siya," pagpapaliwanag ko. "Paano niyo naman natuklasan na may hiwagang nakakabit sa instrumentong iyan?" "Ang huling kahilingan kasi ng Lolo noong siya namatay ay ang tugtugin ang instrumentong ito bilang pag-alaala sa kaniyang payapang kamatayan. Hiling niya na tugtugin ko ito sa kakahuyan, parehong lugar kung saan tayo nakatayo ngayong oras na ito. Nang tinugtog ko na ito ay biglang lumabas ang lagusang tulad nito sa harapan ko at pumasok kami ni Enrique, tapos ayon napadpad kami rito." "Marapat lamang na ito ay manatiling lihim sapagkat kapag nalaman ito ng mga tao, lalong lalo na ang mga Kastila ay tiyak na malalagay sa kapahamakan hindi lang ang buhay mo, kundi ang buhay nating lahat," sabi ni Juancho. "Tama ka, Juancho," I said. "May alam ka ba kung saan natin ito maaaring maitago na tayong tatlo lamang ang nakakaalam at wala ng iba pa? Dapat din natin itong itago mula sa iyong ama upang hindi na ito tuluyang lumaganap sa mga tao sa labas." "Maaari natin itong itago sa may ilalim ng aking papag sa aming bahay. May isang baul doon na pinagtataguan ko ng lahat ng mga mahahalagang bagay na ako lamang ang dapat na makakita," Juancho insisted. "Sige doon na lamang natin ilagay." Bago kami bumalik sa bahay nina Juancho ay inantay muna namin na tuluyang magsara ang lagusang aming binuksan. Makaraan ang ilang minuto ay unti- unti na itong nagsara. Bago ito tuluyang magsara ay biglang dumating ang kapatid ni Juancho na si Elena. "Ano pong ginagawa niyo rito sa kakahuyan?", tanong ni Elena. "Ah, wala naman Elena. Kami'y nagpapahangin lamang dito at saka naglalakad- lakad. Pauwi na kami, sasabay ka ba?", tanong ni Juancho sa kaniyang kapatid. "Sige, Kuya. Pauwi na rin ako. Sabay na po ako sa inyo nina Ate Maya at Kuya Enrique." Nakarating na kaming apat sa bahay nina Juancho bago pa tuluyang kumagat ang dapithapon. Naroon si Mang Tonyo na kasalukuyang naglalaga ng saging at mga kamote na kakainin namin para sa hapunan. Dumiretso kami sa maliit na silid ni Juancho sa kanilang tahanan upang maitago na ang eternomaravillas at hindi na ito magamit pa sa masamang bagay. Inilabas niya ang baul na tinutukoy niya mula sa ilalim ng kaniyang papag. Nang ito'y buksan niya, tumambad sa amin ang iba't-ibang gamit at mga liham na mula raw sa mga nagkakagusto sa kaniya. Hinalukay pa ni Juancho ang kaniyang baul at natagpuan niya ang isang lumang vihuela na ipinamana rin sa kaniya ng lolo niyang manunugtog. Inilabas niya ito sa baul at ipinakita sa amin ni Enrique. "Nandirito pa pala ang vihuela ni Lolo Doroteo, akala ko ay naitapon ko na ito. Medyo luma na kasi ito at sira na ang ibang kwerdas, ngunit may ibinigay naman siyang mga sobrang kwerdas upang may pamalit daw ako," sabi ni Juancho. "Maayos pa ito ha. Kulang lang ng isang kwerdas at konting linis lang," sabi ni Enrique habang hinihimas ang hawak na vihuela. "Oo nga maayos pa ito at maaari pang magamit. May aayusin lang nang kaunti at magiging maganda na ulit ito," saad ko. Sobrang classic tignan ng vihuela ni Juancho. May mga nakaukit dito na salitang Español na "himno de vida" o himno ng buhay sa Filipino. Halata sa kalidad ng gitarang ito na ito ay matibay at orihinal na nagmula sa bansang España. "Akin nga, Maya. Susubukan kong ayusin nang sa gayon ay maaari mo pang gamitin bukas ng umaga." Ibinigay ko kay Enrique ang instrumento ni Juancho. Ibinigay rin naman ni Juancho ang mga kwerdas nito upang maikabit ni Enrique. Makalipas ang ilang minuto, matagumpay na naikabit ni Enrique ang kwerdas na kulang. Pinunasan niya rin ito ng basang tela upang matanggal ang mga alikabok na nakadikit dito at mas maging makintab. Matapos niya ito ayusin at linisan, ibinigay niya ito sa akin. "Oh, ayos na 'yan. Pwede mo na 'yang magamit bukas ng umaga pagkagising mo," sabi ni Enrique sabay abot ng lumang vihuela. Tinignan ko ang vihuela ni Juancho, malinis nga ito at mukhang maayos na. Some details are now visible unlike before, ngunit ang iba ay kumupas na dahil sa matagal nitong pagkakatago. Pagkatapos ng aming hapunan ay dumiretso na ako sa higaang nakalaan sa akin. Nakadilat lamang ako at nag-iisip ng mga bagay- bagay. Ilang minuto rin bago ako tuluyang nakatulog. Bukang-liwayway pa lamang ay nagising na ako. Pagkagising ko ay gising na rin si Juancho, nagpapainit ito ng tubig upang magtimpla ng kape. "Magandang umaga, Maya!" bati ni Juancho sa akin. "Magandang umaga rin, Juancho. Ang aga mo naman nagising," sabi ko habang humihikab at tinatanggal ang mga muta sa mata. "Ganitong oras talaga ako nagigising dahil kailangan kong kumustahin ang mga alaga naming baboy. Pinapakain ko kasi ito tuwing umaga upang mas maging mataba nang sa gayon ay tumaas ang presyo nito sa merkado." Nang sumikat ang araw, ay nagwalis muna ako sa labas ng bahay upang maalis ang mga tuyong dahon sa lupa. Itinabi ko ito malapit sa isang puno at saka'y sinilaban. Nagising na rin si Enrique pati si Mang Tonyo, at sila'y nagkape na rin. Pagkatapos kong maglinis sa labas, nasasabik kong inilabas ang vihuela at saka'y umupo sa isang ugat ng puno na nakausli sa lupa, hindi ganoon kalayo mula sa bahay nina Juancho. Sinubukan kong kalabitin ang mga kwerdas ng vihuelang ito upang makalikha ng isang musika. Sa kalagitnaan ng aking pagtugtog, unti- unting dumarating ang mga tao upang pakinggan ang musikang nalilikha ko. Marami rito ang napapangiti dahil sa melodiyang napakasarap sa pandinig. Nang marami na ang nakikinig sa pagtugtog ko, bigla silang nagtakbuhan pabalik sa kanilang tahanan. Nagpatuloy lamang ako sa aking pagtugtog kahit unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga taong nakikinig sa akin. Nang ako ay humarap, nakita ko ang isang grupo ng mga balbasaradong kalalakihang nakasuot ng itim na damit. Ang mga tao'y takot na takot sa kanila dahil mukha silang mapanganib. Tumigil ako sa pagtugtog dahil maging ako ay kinabahan na rin sa kanila. "Bakit ka tumigil sa pagtugtog, Binibini? Kay sarap pa naman sa pandinig ang musikang nalilikha ng instrumento mo," sabi ng isang lalaki sa akin sabay kagat sa kanyang labi. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka'y napadila. "Tiwala ang siyang nagbubuklod sa mga pusong nababalot ng takot, pangamba, at pag-aalinlangan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD