Pagkatapos namin makapagpahinga nang ilang sandali, nagpasya kaming bumalik sa nakaraan dala- dala ang damit na aming napili. Madaling araw ay agad na naming nilisan ang aming dating tahanan na punong puno ng alaala, at kung saan nangyari ang unang ugnayan naming dalawa ni Juancho. Kailanman ay hinding hindi ko pagsisisihin kung ano man ang namagitan sa aming dalawa dahil tapat ko naman siyang minamahal. At batid kong, mas matindi at mas mainit ang kaniyang pagmamahal para sa akin. Hawak ni Juancho ang aming mga kasuotan na nakasilid sa isang bayong, habang ako naman ay mahigpit na dala ang eternomaravillas. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa kakahuyan, upang tuluyan nang bumalik sa nakaraan. Pagkadaan namin sa lagusan, nagmadali kaming tumakbo pabalik sa bahay nina Juancho. Gaya ng am

