Sa gitna ng aming umagahan, kaharap ko ngayon si Juancho at katabi ko naman si Enrique. Madalas dumadapo ang tinginan namin sa isa't- isa, at sa tuwing nagkakatamaqn ng titig, inaangat ni Juancho ang dalawa niyang kilay samantalang ako naman ay napapatawa sa ginagawa niya. Nararamdaman kong napapansin ni Enrique ang aking maliliit na paghagikgik, kaya agad ako nitong tinanong. "Anong meron Maya at kanina ka pa natatawa riyan?" tanong ni Enrique. Napatakip na lamang ako sa bibig ko at tumingin kay Juancho. Umiwas ito ng tingin at animo'y bumalik sq kaniyang kinakain. "Ah, wala. May naaalala lang akong nakakatawa," tugon ko sabay tawa upang maging makatotohanan ang pagsisinungaling ko. Napanguso na lamang si Enrique at napatango. Bumalik ito sa kaniyang kinakain at bahagya akong nakahin

