Dumaan ang magdamag at hindi pa rin naalis sa aking puso ang sakit ng pagkawala ni Elena. Sariwa pa ang lahat, at magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ako nitong dinudurog. Sa aking paggising, sinabi sa akin ni Enrique na namumugto pa rin ang aking mga mata. Hindi ko na ito ikinagulat dahil inaasahan ko na ang pagmaga nito kagabi pa lamang. Kumain na lamang kami ni Enrique ng almusal. Maaga siyang nagising, at paggising ko ay nakahanda na ang pagkain sa aming hapag. Naghanda siya ng nilagang saging na saba na kaniyang nakuha dito lamang malapit sa aming bahay. Kagabi pa ako nagugutom, kaya walang ano ano ay kinain ko na agad ang mga ito. “Oh hinay hinay lang, baka mabulunan ka,” paalala ni Enrique sa akin sa gitna ng mabilis kong pagkain. Saglit akong napatigil sa aking kinakain a

