Labis akong nagulat nang makita ko si Juancho na narito sa Maynila. Paano sila napadpad dito ni Enrique? Sinundan ba nila ako? Ngunit ang mas ikinagulat ko pa ay nang makita ko ang isang duguang si Juancho. Nasa likod niya si Enrique at tila pareho silang nagmula sa isang digmaan. Napansin ko ang isang lalaking mula sa 'di kalayuan na tumakbo at sigurado ako na siya ang may kasalanan sa pagkabaril ni Miguel. Bumagsak ako sa kinatatayuan ko at tila hindi alam ang gagawin. Nasa harap ko ngayon si Miguel na nag- aagawbuhay, naiiyak ngunit nakangiting nakatingin sa akin "Maya... tandaan mo ito: Ikaw la- lamang ang ba- babaeng minahal ko nang tunay," nauutal na sambit ni Miguel sa akin. Naliligo sa sariling dugo si Miguel at pilit kong pinipigilan ang pagtagas ng kaniyang dugo. Hinaw

