Hindi kinaya ng puso na makitang ganito kabasag at kadurog si Doña Narcisa. Nasanay ako sa kaniyang mga ngiti at kabutihan ng puso, kung kaya't ang makita siyang labis na nasasaktan ay masakit para sa akin. Hindi ko inakala na p*******t lamang ang matatanggap niya sa taong lubos niyang minahal sa loob ng matagal na panahon. Kita sa mata niya ang pangungulila sa namatay na asawa. Kahit pa pagtakpan niya na tanggap na niya ang pagkawala nito, alam ko sa sarili kong masakit ito para sa kaniya. Si Don Hugo lamang ang lalaking minahal niya nang lubusan, at mananatili ang pag- ibig na ito sa kaniyang puso hanggang sa kaniyang huling hininga. Lumapit ako kay Doña Narcisa upang bigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Pagkayap ko sa kaniya, mas tumindi ang mga pagtangis niya. Tuloy- tuloy bumagsak

