Habang yakap yakap ni Juancho, sinundan ng aking mga mata ang direksyon kung saan patungo si Enrique. Saglit akong bumitaw mula sa mahigpit niyang pagkakayakap at saka luminga linga upang hanapin si Enrique. "Bakit, Maya?" kuryosong tanong ni Juancho. Hindi ako natigil sa paghahanap kay Enrique nang biglang hawakan ni Juancho ang magkabilaang balikat ko na naging dahilan upang magkatitigan kami. Ang kaniyang matatalim na tingin sa akin ay tila tinutunaw ako sa aking kinatatayuan. Nakakunot ang noo nito at naniningkit ang mata. "Ah, wala. Umalis kasi si Enrique, hindi ko alam kung saan nagtungo...," sagot ko sa kaniya. Bumitaw siya mula sq pagkakahawak sa aking balikat, at saka luminga linga rin sa kaniyang paligid. Hinila ko siya patungo sa direksyon kung saan ko huling nakita si En

