Ang pagkukulang ng kaban, Ang pagsabog ng minahan. Ang pagka-sawi ng mga tauhan at mga nasasakupan ng salinlahi. Ang kawalan ng pondo na maipambubuhay sa buong nasasakupan dulot ng pagnakaw ni Nathalia. At ngayon naman muling sinubok ang Salinlahi sa isang ipidemya na kumalat sa lugar kung saan inilipat ang mga naapektuhan ng pagsabog. Bata, matanda, babae o lalaki ang halos mag-agaw buhay na sa sakit na hindi nila malaman kung saan nagmula. At lahat ng iyon ay isinisisi nila kay Cecilia, lahat sa mga namumuno sa Salinlahi. Isa pang kanilang kinahaharap, wala silang maipangtustos sa mga nagkakasakit dahil halos wala ng kaban ang salinlahi. Bagsak ang mga negosyo, bagsak ang kalakalan, bagsak ang pinagkukunan ng yaman. Ngayon hindi na nila alam kung paano makakaahon, kung saan pa lalapi

