"Kamahalan, ilagay ko na sa bag lahat ng kailangan mo." Napangiti si Cecilia pagkatapos ay tinapos niya ang pag a-ayos sa sarili, ngayon ang pagbisita na gagawin nila sa mga kalahi na naapektuhan ng trahedya. Una pupuntahan nila ang housing location kung saan nakalipat na ang ilan sa mga pamilya doon, pagkatapos naman ay dederetso sila sa farm, may kikitain sila sa lugar na iyon na kasapi rin ng konseho na kanyang itinalaga para matutukan ang pangangailangan ng mga kasama nila doon Simpleng puting t-shirt, faded jeans na pinaresan niya ng leather boots ang kanyang suot, masyado ng mainit kaya minabuti niya na komportable siya sa damit na susuotin niya ngayon. Matapos kunin ang bag at ilang documento ay sinamahan siya ni Lucia palabas ng silid. Hindi na niya pinabuhat iyon sa matanda kah

