"Alam mong hindi ako pwedeng bumalik diyan. Marami akong inaasikaso dito sa Pilipinas!" Nangigigil na sabi ni Nathalia sa kausap niya kanina pa sa telepono. Pinagpipilitan kasi nito na pabalikin siya sa Japan dahil sa business ng ama na naiwan sa kanya. Ilegal iyon at nanatili pa rin. Kahit ipinasara na ni Agos ang mga ilegal na negosyo ng Lucan ay may iilan pa rIn na si nathalia ang nag-aasikaso at ngayon ay iniipit siya. kung hindi s’ya pupunta ng Japan para kumbinsihin ang ilan sa mga sindikato na manatili sa negosyo ay isusuplong siya ng mga ito at kapag nangyari iyon ay baka malaman ni Agos ang tungkol sa negosyo niyang ito. Ay baka, ipasara din iyon ni Agos. Smuggled firearms at drugs ang karaniwang pinagkakaabalahan niya sa negosyo. Noon ay kasama ang mga smuggled na kayamanan n

