"Mahal na Prinsesa! Ikinagagalak namin ang iyong muling pagbabalik," muling bati ng lahat sa kanya bago lumapit si Cecilia sa circulo ng may ngiti sa kanyang labi. "Masaya akong makita muli kayo, pero sana maari akong sumali sa konseho para italaga ang susunod na hahawak sa lalawigan ng Ginto at Kapangyarihan?" Tumango ang lahat bilang pagsangayon. Halos lahat pa rin sa kanila ay hindi makapaniwala na sa wakas ay nagbalik na siya. "Pero kung nariito naman na ang mahal na Prinsesa, hindi na natin kailangan mamili ng itatalaga. Una siya ang itinakda at dating pinuno, pangalawa isa siyang Hiraya at sigurado naman na magagampanan niya ang tungkulin sa lalawigan," wika ng isa sa Circulo. Sumangaayon ang iba at napangiti, hindi rin inaasahan ni Cecilia na sa kabila ng pagkawala niya at hi

