5th Chapter: Accident

1707 Words
Kahit Saan Fast-Food Restaurant DUMUKWANG si Stein nang mapansing kanina pa kinukutingting ng kakambal niyang si Melou ang phone. "Sino'ng itine-text mo, Melou?" sita niya. Itinulak ni Melou palayo ang kanyang mukha. "Looking at someone else' messages is rude, Stein," sermon pa ng kanyang kapatid. Inalis niya ang kamay ni Melou sa kanyang pisngi, saka siya dumeretso ng upo. "I'm just curious. Hindi naman siguro lalaki 'yang kausap mo, 'no?" Natigilan ito at napatitig sa kanya. "Nag-aalala ka ba sa 'kin, Stein?" Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. "Of course, stupid. Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid. Kambal pa tayo," pabulong na sagot niya. Bigla na lang siyang niyakap ng kanyang kapatid. "Aww! That's so sweet, baby brother." "You're only one minute older than me," angil ni Stein. Hindi talaga niya gusto kapag bine-baby siya ng kakambal. They were already twenty-seven, for goodness' sake! Kinurot siya ni Melou sa pisngi bago humiwalay sa kanya. "Si Eura ang ka-text ko." "Eura? What a beautiful name!" biglang komento ni Primo. "My lord, lahat naman ng pangalan ng babae ay maganda sa 'yo." Stein scoffed. Hindi pinansin ni Primo si Stein. "So, Melou, sino ang Eura na 'to? Bakit ngayon ko lang yata narinig ang tungkol sa kanya?" tanong ni Primo na may halong paninita. It was only natural since he was LV's sole owner. Mahigpit si Primo tungkol sa pagpapapasok ng outsider sa village. Guilt flitted across Melou's eyes. "I'm sorry, my lord. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na may pinapatuloy ako sa bahay ngayon. She's Eura Marasigan. She saved my life and to repay her, I offered her my home for her to stay in in the meantime and I also gave her a job at my shop. Mabait naman siya, eh. Promise!" Tumango-tango si Primo, saka nakangiting tinapik-tapik sa ulo si Melou. "Melou, I'm not mad. May tiwala naman ako sa pagkilatis mo sa mga tao." "Thank you, milord." "Maganda ba siya?" biglang tanong ni Primo na umiral na naman ang pagkababaero. Natawa si Melou. "Yes, my lord. She's beautiful." "My lord," biglang singit ni Charly na patuloy lang sa pagtipa sa laptop. "Kung may balak kang pormahan si Eura, dadaan ka muna kay Stein." Napa-"ohh" ang magkakaibigan at natuon kay Stein ang lahat ng atensiyon. Pati sina Umi at Alaude, Genna at Melvin na abala sa paglalambingan kanina ay napatingin din kay Stein. Tinapunan ni Stein ng masamang tingin si Charly. "Ano naman ang kinalaman ko sa babaeng 'yon?" Nagkibit-balikat si Charly. "Kaya nga tinatanong ka namin. Nakita ko kasi kayo sa playground kagabi. She played the violin for you." "A date in the playground?" natatawang tanong ni Melvin. "How cheap!" "Not to mention, corny too," dagdag naman ni Alaude. Siniko nina Umi at Genna ang kanya-kanyang kapareha na sina Alaude at Melvin. Napasinghap naman ang dalawang lalaki. Dahil sa itinakbo ng usapan, biglang nagbalik sa isipan ni Stein ang nangyari kagabi. An image of Eura's beautiful, serene face while she was playing the violin flashed in his mind. Parang nanumbalik din sa kanyang pandinig ang napakagandang pagtugtog ni Eura ng "Ave Maria." And the fast beating of his heart only made the music more beautiful in his ears. As he looked at her, he imagined her having beautiful angel wings to match her angelic face. Even the way she moved her hand was very elegant, very gentle. He suddenly wanted to feel her small, warm hand on his skin. No. He wanted to touch her to make sure he was not dreaming. Because Eura seemed to be the girl that had been pulled out of his dreams to become a part of his reality. I'm attracted to that naughty girl?! No way! "Yes, that's the face he was making while watching her," "bulong" ni Charly sa kanilang mga kaibigan kahit alam nitong naririnig naman niya. "Kuya Stein, nagba-blush ka," nakabungisngis na turan ni Umi. "Ayiiee... binata na si Stein!" tukso naman ni Genna. Napamura sa isip si Stein nang maramdaman ang muling pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Hindi rin niya maipaliwanag ang naging pagbabago ng t***k ng kanyang puso—naging mabilis. Katulad ng naramdaman niya habang pinakikinggan at pinanonood tumugtog si Eura. Eura... how can that woman affect me this much? Napatayo si Stein dahil sa realisasyon. Hindi na rin kasi niya natiis ang pang-aalaska ng mga kaibigan. "It's not a good idea to let that woman stay here at Luna Ville!" bulalas niya. At dala ng pagkataranta, hindi na niya napigilan ang sunod-sunod na pagsasalita upang pabulaanan maging sa sarili ang namumuong atraksiyon sa estrangherang iyon. "Ni hindi nga natin alam kung sino siya, o kung ano'ng plano niya. Bigla na lang siyang sumulpot, at masyadong manipulado ang mga pangyayari. Iniligtas niya ang kapatid ko, pero humingi naman agad siya ng kapalit. Paano kung matagal na pala niya tayong minamatyagan para gawan ng masama?" "Bakit hindi si Eura mismo ang tanungin natin?" tanong bigla ni Charly. "Hi, Eura." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Stein nang sa pagpihit niya ay nakita niya si Eura. Parang awtomatikong nag-shut down ang kanyang sistema at nakaramdam siya ng kakaibang panlalamig nang makita ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Ngumiti si Eura pero hindi umabot sa mga mata. "Hi! Ikaw naman, Stein, ganyan pala ang tingin mo sa 'kin, sana sinabi mo na lang agad. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko dito. If you want me out of your village, fine..." Hindi na naituloy ni Eura ang sinasabi nang bigla na lang tumulo ang mga luha ng dalaga, pero mukhang hindi pa nito iyon napapansin. Parang may dumukot at pumiga sa puso ni Stein nang makita ang pag-iyak ni Eura. He wanted to punch himself; yet, he could not help but notice how perfect she still looked in his eyes even though she was crying. Tumayo si Melou na tila hindi rin alam ang sasabihin. "Eura..." Pilit uling ngumiti si Eura. "Melou. Thank you for everything." Nabitawan ng dalaga ang dalang paper bag pero hindi na iyon pinagkaabalahang damputin dahil basta na lang itong tumakbo palayo. Ang pagsara na lamang ng pinto ang gumising kay Stein. At siyempre, ang paninisi sa kanya ng mga kaibigan. "You're the worst, Stein!" sabay-sabay na sumbat nina Umi, Genna, at Melou. "Ang pagpapaiyak sa isang inosente at gano'n kagandang babae ang pinakamasamang magagawa ng isang lalaki, Stein," naiiling na wika ni Primo. "I don't want to hear that from you, my lord." Stein scoffed. Pinigilan niya si Melou nang akmang hahabulin si Eura. Bago pa makapagreklamo si Melou ay inunahan na niya. "Ako na." Pumito sina Alaude at Melvin na hindi alam ni Stein kung para suportahan siya o para asarin. He walked casually, trying to act cool, even though he wanted to run after Eura. Pero nang makita niya sa sahig ang CD at mga kritisismo ni Eura tungkol sa pagtugtog niya ng violin, biglang nagbago ang kanyang isip. He ran after her at full-speed. Pagdating sa bahay ay naabutan ni Stein na kalalabas lang ni Eura dala ang maleta. Nilagpasan lang siya ng dalaga. Umagapay siya ng lakad. Hindi pa rin niya alam kung paano hihingi ng paumanhin. "Eura. Hindi kita pinapaalis." "Sapat na ang mga narinig ko para tamaan naman ako ng hiya." Gustong sapakin ni Stein ang sarili dahil sa mga maling salitang nabitiwan na naman niya. "Magagalit sa 'kin si Melou kapag umalis ka." Damn you, self! Wrong choice of words again! Hindi na siya pinansin ni Eura hanggang sa makalabas sila ng Luna Ville at makarating sa hintayan ng taxi. Nataranta siya. Now that she was about to leave did he realized he did not want her to. Hindi niya lang alam kung paano iyon aaminin. "Eura. Don't go." Nilingon siya ng dalaga. "Please?" "Alam mo, Stein—" Hindi na naituloy ni Eura ang sasabihin nang bigla na lang may lalaking bumunggo sa dalaga mula sa likuran at agawin ang maliit nitong bag na nakasukbit sa balikat. Nasalo ni Stein si Eura nang sumubsob ito sa kanyang dibdib. And damn, why did this woman have to smell this good? And damn again, it felt good to have her soft body against his! And damn his hormones for reacting violently! Naputol lang siya sa maling daang tinatahak ng isip nang itulak siya ni Eura. Nasa snatcher ang atensiyon ng dalaga. "Hoy, ibalik mo sa 'kin 'yang bag ko! Ang mga ID ko!" "Eura—" "Shut up, Stein!" singhal nito, saka hinabol ang magnanakaw. "Eura!" Hinabol niya ang dalaga. "Ako na!" Pero hindi siya pinakinggan ni Eura. Tumawid pa rin sa kalsada. And then it happened. He heard the screeching sound of tires. At ang sumunod na eksena ang tila nagpahinto sa pagtibok ng kanyang puso. Tumama ang katawan ni Eura sa humaharurot na kotse. *** HINDI mapakali si Stein habang hinihintay magkamalay si Eura sa ospital. Nasa pribadong kuwarto na ang dalaga. May benda sa ulo at may suwero sa braso. Wala pa ring malay hanggang ngayon. Hindi niya maatim na makita itong nasa ganoong kalagayan. Umupo siya sa gilid ng kama. He gently touched her face. Napangiwi siya nang makita ang pasa sa pisngi ni Eura na nakuha marahil nang tumama ang mukha sa salamin ng kotseng nakabunggo rito. "I'm sorry, Eura. Galit ka sa 'kin, 'di ba? So wake up and punch the living daylights out of me. Tatanggapin ko lahat ng pambubugbog mo, basta ba gumising ka lang." Hindi maiwasang sisihin ni Stein ang sarili sa nangyari. Because of his stupid hormones, he got distracted when her bag got snatched. Kung naging alerto lang sana siya, siya ang unang humabol sa lintik na magnanakaw. O kung nasa tamang huwisyo lamang siya ay baka hindi na nakalapit kay Eura ang walang-kuwentang lalaking iyon. Nahuli ang magnanakaw at naipakulong na, pero hindi na nabawi ang gamit ni Eura. Ang sabi ng mga pulis, maaaring naipasa raw ng magnanakaw sa mga kasamahan ang bag. Naputol lamang ang pagbabalik-tanaw ni Stein nang kumilos at umungol si Eura. "Eura, what's wrong? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya. She slowly opened her eyes. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya na tila ba kinikilala siya. May takot din sa mga mata. He sighed. "Don't be afraid of me, Eura. Hindi na kita aawayin. At pangako..." He touched her face with the back of his hand, and he smiled at her for the first time. "Hindi na uli kita hahayaang masaktan. Patawarin mo sana ko. Kung gusto mo, bugbugin mo pa ako." Iniiwas ni Eura ang mukha. That gesture of rejection pained Stein. Pero napalitan iyon ng labis na pagkabigla sa mga sumunod na salitang inusal ng dalaga. "Sino ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD