10th Chapter: Inner Stein

1694 Words
"TONIGHT, we celebrate the first night of our count down to the much-awaited Luna Queen's Night. Alam ko, na sa gabing ito, ang ilan sa inyo ay nakapili na ng babaeng nais n'yong makasama habambuhay. May anim na gabi pa ang kababaihan na makapag-isip kung handa n'yo na bang tanggapin ang proposal ng mga lover n'yo. So everyone, let's enjoy the party!" masiglang anunsiyo ni Primo kasabay ng pagtugtog ng romantic song. Napabuntong-hininga na lang si Stein, saka pasimpleng hinagod ng tingin ang paligid. Kasalukuyang nasa malawak na bakanteng lote ang halos lahat ng residente ng Luna Ville. Sa gitna ay may isang malaking bonfire. Sa paligid sana niyon gaganapin ang ikalawang ritwal sa pagdiriwang ng paglabas ni Luna Queen—the dance party during the first night. Tuwing darating ang Luna Queen's Night, may tatlong bagay na kailangang gawin ang isang lalaking natagpuan na ang tamang babae para dito. The first step was to give a long-stemmed rose to the woman he wanted to spend his life with. The second was to dance with her. And the third was to tie a red ribbon around the old ruins with her. Pagkatapos ay si Luna Queen na raw ang bahalang magtali ng mga kaluluwang nakatakda para sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtugtog ng violin. But of course, only fools would believe it. And Stein Albert Alventra was not among them. This is stupid. "Pearl, my lovely Pearl!" malakas na bulalas ni Primo habang palapit sa babaeng tinawag nito. Napatingin si Stein sa direksiyon nina Primo at Pearl. Pearl was Primo's personal bodyguard. Mga bata pa lang sila ay parati nang nakabantay si Pearl sa "panginoon" nila. But she did that in the shadows. Kaya nagtataka siya kung bakit nagpakita ngayon ang dalaga roon. "I'll kill you if you touch me, milord," banta ni Pearl sa malamig na tinig. Nawala lang sa dalawa ang atensiyon ni Stein nang makita niya si Eura. Natigilan siya. She looked very beautiful in her simple ivory halter top dress. Alon-alon ang normal na deretsong itim na buhok na lalong nagpaelegante sa maganda nitong mukha. Hindi lang siya ang nakapansin na lalong tumingkad ang ganda ni Eura dahil napapatingin dito ang halos lahat ng lalaking walang kapares. Ah, his heart went wild once again. Kusang kumilos ang mga paa ni Stein para sana lapitan si Eura nang maunahan siya ng kung sino—ni Melvin. Nakipagsayaw ang magaling niyang kaibigan kay Eura. "What a scary face." "Shut up, my lord." Naikuyom ni Stein ang mga kamay nang makitang lumapat ang kamay ni Melvin sa baywang ni Eura at ipinatong naman ng dalaga ang kamay nito sa balikat ng mokong. He felt so murderous at the moment. Murderous and very... very... "Jealous?" Tiningnan niya si Primo. "Bakit dinala mo si Pearl dito?" pag-iiba niya ng usapan. "Hindi ko pinapunta si Pearl dito para maging date ko," nakangiting paliwanag ni Primo. Pero sumeryoso din agad. "She's here to investigate." Biglang nanlamig ang buong katawan ni Stein. Mukhang alam na niya kung bakit pinapunta ni Primo si Pearl doon. Inabutan siya ni Primo ng isang baso ng alak. "Mahalaga sa 'kin ang Luna Ville, that's why I'm cautious. Outsider pa rin siya, Stein," seryosong sabi nito. Marahas siyang bumuga ng hangin, saka nag-iwas ng tingin. "Alam ko." Right then and there, Stein was reminded that no matter how foolish Primo may act around women, he was still very dangerous—someone he would never mess with. There was a reason he was called "lord" after all. Tinapik siya ni Primo sa balikat. "Nag-aalala lang ako," anito, saka siya tinalikuran para sundan si Charly na dumaan sa harap nila. "Hey, Charly! Let's dance." Muling dumako ang tingin ni Stein kina Eura at Melvin. Muli na namang gumuhit ang kirot sa kanyang puso nang makitang nagtatawanan ang dalawa at magkadikit ang mga katawan. Gusto niyang pigilan ang nararamdaman, pero nahihirapan siya. Kahit ipinaalala na sa kanya ni Primo na isa pa ring estranghera si Eura, ayaw pa rin niyon pumasok sa kanyang kukote. It was as if she was already a part of him. Dammit, Stein! You're losing your mind! Inisang-lagok niya ang baso ng alak na iniabot ni Primo sa kanya. Pagkatapos ay lumapit siya sa mesa kung saan nakalatag ang cocktail drinks, saka tumungga ng tatlo pang baso ng alak. He was confused. His mind was telling him to stay away from Eura, but his heart was aching to be with her. Habang gumuguhit ang init ng alak sa lalamunan ni Stein, he felt his conscious mind slowly fading away. He knew his "other part"—the one they called "Inner Stein" would take over—but he did not give a damn about it anymore. Gusto na lang niyang makalimot. Nang tuluyan nang gumapang ang epekto ng alak sa kanyang sistema, naramdaman niya ang "pagsipa" ng kakaibang lakas ng loob sa kanyang dibdib. Tinanggal niya ang suot na necktie at basta na lang inihagis kung saan. Pagkatapos ay isa-isa naman niyang tinanggal ang butones ng suot niyang polo. "Inner Stein!" sabay-sabay na bulalas nina Umi, Genna, Moana, at Melou na marahil ay kanina pa siya pinapanood. Ngumisi si Stein at hinawi ang kanyang buhok. "Ah, it's been a while, ladies!" aniya, sabay kindat. Akmang lalapit na siya sa mga babae nang biglang humarang sina Alaude at Sley sa kanyang daraanan. Namaywang siya at nakangiting umiling. "C'mon, boys. Kahit isang sayaw lang." "Kung ikaw ang normal na Stein, baka puwede pa," naiiling na sagot ni Alaude. "Stein, you should go back to normal," mahinahong sabi ni Sley. Sasagot sana si Stein nang dumako ang tingin niya kina Eura at Melvin. Eura was looking at him with a knotted forehead. Mapait siyang ngumiti habang naglalakad palapit sa dalaga. Kahit lasing siya, may bahagi pa rin ng "Normal Stein" ang gising. Bumalik sa kanya ang alaala kung bakit nagkaroon siya ng kakaibang pagkatao kapag nalalasing siya. When he was in his senior year of high school, he had a crush on his classmate. Pero dahil likas na mahiyain, hindi niya alam kung paano manligaw. Nagpatulong siya sa mga kaibigan para alam niya ang gagawin sa isang date. Tinuruan siya nina Melvin at Primo ng iba't ibang pick-up lines, at kung ano-ano pa. They even taught him how to initiate a kiss, pagkatapos ay pinainom siya ng alak. Pero nasobrahan yata siya ng inom ng alak dahil nawala ang conscious mind niya. Paggising niya, nasa bahay na siya. Ang sabi ni Melou, nag-a la Primo daw siya noong prom night. It seemed that his subconscious had taken over. Inakit daw niya ang lahat ng kaeskuwela nilang babae. And his first major crush hated him for being a "player." Nasaktan ang batang puso niya nang bastedin siya ng kanyang crush. She even told him he was disgusting. Si Eura kaya, mandidiri din sa kanya ngayong nakita na nito ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao? So be it. If she's disgusted, siya na ang kusang lalayo sa 'yo. "Hi, Eura," bati ni Stein sa nang-aakit na boses, pagkatapos ay walang-babalang hinila niya ang dalaga at hinapit sa baywang, saka isinayaw. Napilitan itong hawakan siya sa mga balikat. Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Eura. "Nakakasama ka ng loob. Mas gusto mo bang kasama si Melvin? Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" Nagsalubong ang mga kilay ni Eura. "Teka, bakit mo ba ako ini-interrogate? Saka nasa'n ba 'yong Sherrie mo? You should be with her." "Sherrie's from Solar Ville, so naturally, she isn't allowed to be a part of Luna Ville's tradition—unless someone from LV invited her." "Bakit hindi mo siya inimbita? Binigyan mo siya ng rose, 'di ba?" mataray na tanong ng dalaga. "Hindi ko ibinigay sa kanya ang rose na 'yon. Pinabayaran niya 'yon sa 'kin. My pride would have been wounded if I couldn't even pay for a mere rose." Napangisi si Stein nang may mapansin siya. Eura was pouting cutely and it could only mean one thing. "Are you jealous, baby?" Napasinghap ang dalaga at namula ang magkabilang pisngi. "Hindi 'yan sasabihin ng normal na Stein." Gumuhit ang pamilyar na kirot sa kanyang puso nang maalala ang babaeng nagustuhan niya noon na nandiri sa "Inner Stein." Mapait siyang ngumiti. "Of course. I'm 'Inner Stein' after all." Lalong namula ang mukha ni Eura. Dang! She was so cute. Dumako ang tingin niya sa mga labi ni Eura. Dala marahil ng epekto ng alak kaya hindi na niya napigilan ang sarili. Huminto siya sa pagsasayaw at ikinulong ang mukha ng dalaga sa kanyang mga palad. "S-Stein..." "Stein, stop." Natigilan siya nang marinig ang boses ng kakambal niyang si Melou. "Goodnight." Kumanta si Melou dahilan para takpan ni Eura ang mga tainga. Stein knew his sister had a horrible singing voice, but to him, it was music. Not only because she was his twin sister, but because her voice could return him to his conscious self. Pakiramdam niya, pinompiyang siya sa magkabilang tainga kaya agad nagising ang kanyang diwa. Napaupo siya sa damuhan at napayuko. It was over. Eura must hate him now. At least, hindi na siya mamomroblema sa paglayo sa dalaga. "Stein, okay ka lang?" tanong ni Eura na lumuhod sa harap niya habang nakahawak sa laylayan ng suot na bestida upang hindi iyon tumaas. Isa-isa niyang ibinalik sa pagkakabutones ang kanyang long-sleeved polo. "I'm okay. Ikaw? Okay ka lang ba? Ngayon mo lang narinig kumanta ang kapatid ko kaya marahil nagulat ka." "Ah, oo. Medyo kakaiba nga ang boses ni Melou. But I'm okay." She cupped his face much to his shock. "Bakit hindi ka tumitingin sa 'kin?" nag-aalalang tanong ni Eura. Nagulat si Stein nang walang makitang pandidiri sa mukha ng dalaga. Puno rin ng pag-aalala ang mga mata. "Eura... pasensiya ka na sa inasal ko—" "That's 'Inner Stein,' right? Ang cool. May dalawang pagkatao ka." Then, she smiled brightly. "I love them both." Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi at ang parang paglukso ng kanyang puso nang makita ang matamis na ngiti ni Eura. Kung gayon, tanggap nito pati ang "Inner Stein" na kahit siya mismo ay pinandidirihan niya? "Dang! I can die from happiness now," nakayukong sabi niya. He looked at her. "Thank you, Eura." When she giggled, his heart skipped a beat again. Dinukot niya ang cell phone sa kanyang bulsa at nag-send ng text message kina Alaude, Primo, Sley, at Melvin. Mayamaya lang ay nangibabaw bigla ang malakas, sabay-sabay, at malulutong na tawa ng apat dahil sa kanyang text: Love is when you almost die from happiness just because she smiled at you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD