CHAPTER FIVE

782 Words
GULAT at pagkamangha ang bumalot sa sistema ni Pamela ng makaharap niya si Varun. Hindi niya aakalain na makikita niya ito, oo matagal na niyang hinahanap ang lalaki sa mga nakalipas na taon. Mabuti nalang at nasabi ng ate Camella niya na umuwi na ng Bansa ang binata. Labis-labis ang kasiyahan at pagkasabik ang namayani sa puso niya ng maconfirm niya mismo na narito na nga ito ng Pilipinas. Heto nga't nasa harapan na niya ito mismo. At katulad ng inaasahan niya, napakaguwapo pa rin nito. Sa dami ng mga naggagwapuhang adonis na nakilala niya'y isa ito sa mga lalaki na habang nagkakaedad lalong gumagwapo. Kaya magpahanggang ngayon, wala pa siyang nagiging nobyo. Nakikipagdate din naman siya, pero hanggang doon lamang siya. Sa mga lumipas na taon bagamat walang araw na lagi siyang nahihirapan sa pakikisama sa Daddy niya'y pinatili niyang focus at hindi siya tinatablan sa mga ginawang pagpapahirap nito sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya, naging matibay ang loob niya at ginawa niyang inspirasyon ang lahat ng dinanas niya, magmula noong bata siya. Nakapagtapos naman siya at nakuha ang pinakamataas na parangal. Kaya ng makatapos agad siyang nagbalak lumuwas pamaynila, upang hanapin ito at para makahanap na rin siya ng trabaho. Nakakalungkot man aminin na ang lahat ng ipinundar ng kanyang Mommy at maski ang Hacienda na pagmamay-ari ng pamilya nila'y mareremata nang Banko sa susunod na Buwan. Ang pagkakaalam niya'y nagkaroon ng malaking pagkakautang ang Ama niya sa isang malaking negosyante rito sa Manila. Ang balak niya, kapag nakahanap siya ng trabaho'y uumpisahan na niyang hanapin ang taong pinagkaka-utangan ng Daddy niya. Nais niyang makiusap dito na sana pagbigyan pa sila ng ilang Buwang palugit. Magkagayunman kabilang sa mga plano niya ay ang paghahanap kay Varun. Laking pasasalamat niya dahil tila umaayon sa kanya ang tadhana. Hindi niya aakalain na magiging madali sa kanyang matagpuan ito. "Ahmm, a-ayos lang..."ang nauutal na sagot ni Pamela sa binata. Kitang-kita niya ang paglalakbay ng tingin nito sa kabuuan niya. Kasalukuyan lang naman siyang nakasuot ng puting office attire. Kung saan hapit na hapit sa kanyang magandang kurba ang tabas ng kasuotan niya. May malaking slit sa gilid ng skirt niya. Naka-V neckline rin siya, kung saan kitang-kita ang cleavage niya. Hindi man siya kaputian ay biniyayaan naman siya ng magandang mukha, exotic kumbaga ang beauty niya. May balingkinitan din siyang katawan na binagayan ng mahahabang biyas. "Have a seat Ms. Juan." Utos ni Varun, kasabay nga ng pag-upo ng dalaga. Isang magandang ngiti ang ipinaskil ni Pamela. Ewan niya pero may pakiramdam siyang hindi magiging madali ang pagpasok niya sa kumpaniya ng binata. Inumpisahan ng magtanong ng binata sa dalaga at sa bawat tanong niya'y nasasagot naman ng maayos ng dalaga. Hanggang sa sambitin na nga ni Varun ang huling tanong niya kay Pamela. "For the last question, sa tingin mo what the best thing you will contribute to my company Ms. Juan?"Tanong ng binata, kasabay ng pagtutok ng tingin nito sa dalaga. Napalunok muna ng laway ang dalaga, kitang-kita niya kasi ang makahulugang titig ng binata. Tila nanuyo ang kanyang lalamunan. Hindi niya maiwasan ang matensyon habang kaharap si Varun. "I will do my best to work out with your company sir, I believe if you will hire me to become your secretary I'll promise to give you my loyalty."sagot niya rito. Nanatili lamang siyang tinitigan ng binata, tila may gumapang na mainit na kamay sa puso ng dalaga ng mahuli niya kung gaano pagmasdan ni Varun ang labi niya. Tila siya sinisihilan sa paraan ng pagtitig ng binata sa kanya. Pinanatili na lamang ni Pamela ang ngiti sa labi. Mayamaya'y tuluyan ng inalis ng binata ang pagkakatitig sa magandang dalaga. Matapos siyang magsulat ng ilang mga importanteng bagay sa mga documents ni Pamela'y tuluyan na niyang sinabihan itong umalis. Ramdam ng binata ang mga titig ng dalaga, ngunit ipinagwalang-bahala na lang niya iyon. Ilang segundo pa itong nakatayo sa harap niya. Ngunit hindi na niya muling binalingan ng atensiyon si Pamela kahit ang totoo'y grabe-grabeng pagpipigil ang ginawa niyang huwag itong lingunin. MATAGAL ng nakaalis si Pamela ngunit nanatili pa rin ang binata sa loob ng pribado nitong opisina. Kung saan nanatili lamang siyang nakaupo sa swivel chair niya, habang mataman na nakatitig lang sa litrato ni Pamela na nasa kanyang lamesa. Muli niyang naramdaman ang piping pakiramdam na matagal ng namamahay sa kaibutoran niya. Maski ang mga alaala na unti-unting nagbabalik sa kanyang gunita. Patuloy lang siya sa paglalaro sa ballpen na hawak niya, hanggang sa tuluyan niyang hawakan iyon ng mahigpit at maitarak iyon sa lamesa niya kung saan nakaibabaw roon ang resume at lahat ng larawan ni Pamela. A/N THE REMAINING CHAPTERS ARE AVAILABLE NOW AT g*******l.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD