"Will you marry me baby?"Nakaluhod na tanong ko sa girlfriend kong si Fey. 5 years na kami at ngayon ko napag desisyunang mag propose sa kaniya. Sigurado na 'ko. Hindi ko na papakawalan ang babaeng 'to.
"Baby?I will do everything for you. Even though we're bought a girl, i will always love and protect you as long as I can. Please, marry me."Nakangiting saad ko. Ramdam ko ang pagod dahil sa pagkakaluhod at paghahanda para maidaos ang araw na 'to. Nagtataka lamang ako kong bakit antagal sumagot ni Fey. Kinakabahan ako dahil doon.
"B-baby?"
"No."Malamig na sagot nito kaya nanghihinang bumaba ang kamay ko. Nawalan iyon ng lakas.
"B-bakit?Fey naman eh."Basag ang boses na tanong ko. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luhang pilit kong ikinukubli.
"Hindi na kita mahal."Malamig na sabi nito at saka humakbang.
Hindi ko matanggap, ano ang dahilan?
"A-ano. B-bakit?Ipaliwanag mo naman. M-marami tayong mga pangarap diba? Sabi mo pa nga s-sabay nating aabutin, na sabay tayong mangangarap. Huwag naman ganito oh. Kasi ang sakit, ang s-sakit sakit Fey."Hirap na sabi ko habang nakayuko. Niyakap ko siya sa binti. Doon ako humagulgol habang pinipigilan siyang umalis. Ayokong magmakaawa pero kong siya lang din, gagawin ko kahit hindi tama.
"Paano a-ako?Paano na 'yong mga plano natin sa isa't isa?Paano mo nakakayang gawin 'to sakin?"
"Hindi na nga kita mahal. T-tumigil ka na."Sabi nito habang nakatingin sa kawalan.
"A-ayoko. Dito ka lang. Hindi ka aalis. Hindi pwede. Matagal nating hinintay 'tong araw na 'to tapos iiwan mo 'ko? Ay-"
"Niloko kita. May mahal na 'kong iba."Pagputol nito sa sasabihin ko kaya mas lalo akong humagulgol.
"B-bakit? Bakit mo nagawa sa kabila ng lahat ng p-pagsasakripisyo at pagmamahal ko sa'yo?Sa kabila ng p-pagpili ko sa'yo kaysa sa mga magulang ko?"
"Hindi kita pinilit na gawin 'yon. Ayoko na sa'yo. Tapos na tayo at saka ikakasal na 'ko sa kaniya."Walang pakialam na sabi nito saka inalis ang nga kamay ko sa binti niya.
Napasinok ako. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kong makagagalaw pa ba 'ko sa sobrang sakit. Ikakasal na siya ngunit heto ako, nakaluhod, nagmamakaawa sa babaeng ikakasal na sa iba. Hindi ko lubos isipin na kaya niyang gawin sa'kin 'to. Sa katuringan sa kaniya na umiikot ang mundo ko. Parehas kaming may mga trabaho. Kahit ganoon ay sa kaniya ako nakatutok. Hindi ko alam kong saan nga ba ako nagkulang.
"Sino?Sino ang mas nakahigit sa'kin diyan sa p-puso mo?"Naninikip ang dibdib na tanong ko.
"Si Kyle."
Napangiti ako ng mapait. Kaya pala. Kaya pala ganoon nalang kong iwan niya 'ko. Kaya pala wala na siyang pakialam sa'kin. Pinagseselosan ko pala ang nakahihigit sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Noong una ayokong isipin, ayokong guluhin ang isip ko. Dahil may tiwala akong kahit babae lang ako mamahalin mo din ako ng tapat, na higit pa sa lalaki. Ngunit ngayon naisip ko na kahit ano mang gawin ko, sa lalaki pa rin ang bagsak mo."Sabi ko habang nakangiti ng mapait.
'At wala 'kong magagawa kong hindi tanggapin na sa akin ka man ng ilang taon, ngunit sa kaniya ka pa din ikakasal.'
~❤️