Chapter 1

2492 Words
“ARE YOU sure you’ll be okay there?” tanong ni Imee na kausap ni Neriza sa cell phone. “Alone?”  Bumaba siya ng kotse at sinalubong ng hanging-dagat. Malamig iyon, masarap sa pakiramdam. Bahagyang inililipad ang kanyang buhok. Parang musika ang tunog ng nag-uunahang alon sa dalampasigan. Ah. This was what she needed. “Imee, kaya ko ang sarili ko, okay? Kaya kong mag-isa. And, hello? Kaya nga hiniram ko sa `yo ang beach house n’yo, eh, dahil gusto kong magmongha,” biro niya. Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya. “Kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na may problema ka.” “Oh, of course kilala mo ako. Alam mong sadyang nag-iisa ako kapag gusto kong magsulat. Siya, sige na. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko. See you in two weeks, or, ten days. Basta I’ll keep you posted. Okay? `Bye.” “Okay. Tawagan mo ako from time to time, ha? Sige. Ingat. `Bye. `Love you.” “`Love you,” ani Neriza bago pinutol ang tawag. Ipinamulsa niya ang telepono. Humugot siya ng malalim na hininga bago binuksan ang backseat at mula roon ay kinuha ang bag ng kanyang laptop at isang katamtamang laki ng traveling bag. May mga gamit pa siya sa compartment. Babalikan na lang niya iyon mamaya. Alas-singko na. Tamang-tama, mayamaya ay lulubog na ang araw. Sunset in that particular place was so breathtaking. Manghang-mangha siya noong una niya iyong maranasan. That was three years ago. Pagkatapos niyon ay isang beses pa siyang nakarating doon. Isinukbit niya ang traveling bag sa kanang balikat at binitbit ang laptop bag. Her car was parked on the driveway. Mamaya na rin niya iyon ipaparada sa garahe sa likod. Tinungo na niya ang sementadong pathway na maghahatid sa kanya sa beach house. Sa magkabilang gilid ng pathway ay pulos pinong buhangin na. Narating ni Neriza ang bahay. There was an elevated porch. Gawa iyon sa kahoy at may mga hanging ferns na nakapalibot. Nang makaakyat sa balkon ay ibinaba muna niya sa isang tabi ang nakasukbit na travelling bag, pati na ang laptop bag. Lumapit siya sa kahoy na pasimano at nangalumbaba roon, hinangaan ang tanawin, dinama ang marahang paghampas ng hangin sa kanyang balat. The place was great and she could compare it to Malibu, US. Nakikini-kinita niya ang sarili na nagsusulat sa porch habang may isang tasa ng kape. O kaya ay sa dalampasigan, kapag umaga at hapon na hindi mainit. It was a safe place after all. Alam niyang mga kilalang tao ang nagmamay-ari ng mga karatig na beach house. Napansin ni Neriza na papalubog na ang araw. “Ah, beautiful!” bulalas niya. And then she grinned wickedly. Paano, na-imagine niya na may magkasintahang magkaulayaw sa tabing-dagat. They were both naked. And they just didn’t care for the rest of the world because they were so busy making love. Nakagat ni Neriza ang ibabang labi. Sisiguruhin niyang mailalagay niya sa nobela ang ganoong eksena. Hot and wild lovemaking while the sun set. “Okay. Time to get settled,” aniya nang tuluyang mawala sa dako-roon ang haring araw. She looked for the front door’s spare key. Nasa ibang bansa kasi si Imee kaya sa telepono lang siya nagpaalam na hihiramin ang beach house kung walang gumagamit. Bahay-bakasyunan lang naman kasi iyon. Sabi naman ng kaibigan ay walang gumagamit niyon sa kasalukuyan at puwedeng-puwede niyang hiramin. Ayon pa kay Imee, kapain daw niya ang ilalim ng kahoy na pasimano, sa bandang kanan ng hagdan. May makakapa raw siya roon na maliit na kawad na nagsisilbing holder ng susi. Nakapa naman niya ang kawad. Napakunot-noo si Neriza. May nakakapa siyang kawad pero walang susi. Yumuko siya at tiningnan iyon nang maigi. Wala talaga ang susi. “What the hell…” usal niya at hinugot mula sa bulsa ng pantalon ang cell phone para tawagan si Imee. “Who are you?!” sabi ng dumadagundong na tinig. Sa gulat ay nabitawan pa niya ang telepono.   NILINGON ni Neriza ang pinanggalingan ng tinig. Para lamang lalong magulat nang makita kung sino ang may-ari ng boses. Saglit siyang natulala. Good gracious, was she dreaming? Because, never in her wildest dream na makikita niya nang personal ang lalaking ito. Oh, but he is always in your dreams, wet dreams, tukso ng pilyang isip niya. Ang lalaki ay walang iba kundi si Marc Hades Marquez, ang sikat na Fil-Spanish motorcycle racing champion. He was her crush, the man of her dreams. Ito ang lalaking gugustuhin niyang makasamang ma-stranded sa isang isla o kahit na saang isolated na lugar. Pinsan ito ni Imee sa side ng ina. Bata pa lang daw ang lalaki nang mag-migrate ang pamilya sa Spain. At doon na nga ipinursige ang passion sa motorcycle racing hanggang sa makagawa ng sariling pangalan at maging sikat sa buong mundo. Kailanman ay hindi nakadaupang-palad ni Neriza si Marc. Not until now. Halos mabingi siya sa mabilis na t***k ng kanyang puso. Nandito si Marc. Nasa harap ko si Marc… paulit-ulit niyang wika sa sarili habang mariing kinakagat ang dila para siguruhing hindi iyon isang panaginip lamang. “I said, who are you?” muling tanong ng lalaki habang umaakyat sa balkon. May accent ang tinig nito. Spanish accent, of course. Nanunuot at nanunuri ang mga mata sa kanya at sa bagahe niya. Oh, God. What to do? What to do? Si Marc, nandito si Marc… natatarantang usal niya sa isip. “Hello,” anito. Hinamig ni Neriza ang sarili. Conscious na dinampot niya ang nalaglag na cell phone. “I am Neriza Pabelonia,” tugon niya, hindi nagpapa-intimidate sa lalaking may makapangyarihang mga mata at sensuwal na mga labi. Kahit na nga nanginginig ang mga tuhod at pakiramdam niya ay hihimatayin. s**t! This was a dream come true. Nasa harap talaga niya si Marc. Ngalingaling dambahin niya ang lalaki at kurutin para siguruhing naroon nga ito. Hindi niya malaman kung ngingitian si Marc o titilian. God, this man was much much bigger in life. Kung alam lang ng lalaking ito kung hanggang saan ang nararating ng kanyang imahinasyon na kasama ito. Matangkad si Marc dahil sa taas ni Neriza na limang talampakan at walong pulgada ay bahagyang nakatingala pa rin siya rito. He was so damn good-looking! His eyes were so powerful. Mabibilog, magaganda, at intense kung tumingin. Nanunuot. Parang ang mga matang iyon ay bintana ng pilyong imahinasyon nito. She had never seen such lovely, and at the same time seductive, eyes. Kulay-deep brown na sa tingin niya ay may karakter, may pagkamisteryoso, at may taglay na kapilyuhan. Iyon ang klase ng mga mata na parang may kapangyarihang manghipnotismo at magpasunod sa anumang naisin ng lalaki. Na parang matingnan lang ng mga matang iyon ay para ka nang ice cream na nabibilad sa sikat ng araw. They were like bedroom eyes for they were so sensual. Damn, parang gusto niyang idemanda ang mga photographer dahil pakiramdam niya ay hindi nabigyan ng justice ang mga litrato ng lalaki. Matangos ang ilong ni Marc. Wavy ang buhok. Pansinin din ang panga dahil napakaprominenteng tingnan. Parang napakasarap haplusin, either by finger or by lips. And speaking of lips… his lips, oh, God his lips. They were full, luscious, and wickedly sexy. Pilyo at mapanukso. They had the contour that promised wicked pleasures. Hindi na mabilang ni Neriza kung ilang beses niyang na-imagine na mainit na hinahagkan siya ng mga labing iyon. Hindi lamang ang mga labi niya kundi ang bawat sulok ng kanyang katawan. At na-imagine niya na binubulungan siya ng maiinit na salita ng mga labing iyon. Marc was a motorcycle rider. Ilang beses na itong nag-champion. Sikat na sikat ang lalaki sa mundo ng motorcycle racing, hindi lamang dahil daredevil ito kapag nakasakay sa motorsiklo kundi dahil sa pisikal na hitsura. Ah! Napakaguwapo nito. Napakalakas ng appeal, s*x appeal. He was sinfully gorgeous. He was an alpha male. Ang masama pa, mayroon itong tinatawag na killer smile. An infectious smile that was so familiar around the globe. Maraming babae, anumang nasyonalidad, ang nahuhumaling sa lalaki. Kabilang siya. “At ano ang ginagawa mo dito?” muling tanong ni Marc. Tumaas ang sulok ng mga labi ni Neriza kasabay ng pagpitlag ng kanyang puso. Nagsalita si Marc sa wikang Tagalog. May accent siyempre. And it was so cute. But hell, this man was far from being cute. He was gorgeous, as gorgeous as sin. Okay, okay, Neriza. Kalma lang. Huwag mong masyadong ipahalata na pinagnanasaan mo siya tulad ng mga fans na walang pagdadalawang-isip na ipagduduldulan ang sarili at walang pagdadalawang-isip na tumatalon sa kama niya… Well, kahit iyon din mismo ang gusto mong gawin ngayon. “Kaibigan ako ni Imee. And… yes, I know you. I know who you are,” taas-noo niyang wika. She wanted to make an impression. Ayaw niyang isipin ng lalaki na patay na patay siya rito kahit na nga ba iyon ang totoo. Kahit na nga ba gustong-gusto niya itong sambahin sa sandaling iyon. “Pero ipinahiram ni Imee sa akin ang beach house na ito. Sabi niya ay walang gumagamit.” “Well, I am using this beach house,” ani Marc, tila gusto na siyang i-dismiss. Gustong kilabutan ni Neriza sa timbre ng boses nito—buo at malalim. Sexy. Lalaking-lalaki. Iyong tipong kahit marinig lang ay iisipin mo agad na guwapo ang may-ari. Tulad ng sa mga DJ. Shit. Please be nice to me, Marc. Kunwari ay composed na idinayal ni Neriza ang numero ni Imee. Sinagot ng kaibigan ang tawag pagkatapos ng tatlong ring. “Sabi mo walang gumagamit ng beach house?” agad na banat niya, hindi alam kung para saan ang nararamdamang inis. But for sure, she was glad to see him. Ah, baka naiinis siya dahil tila ipinagtatabuyan siya ng lalaki. Hindi man lang ba ito naakit sa beauty niya? O baka naman kaya naiinis si Neriza dahil hindi man lang siya sinabihan ni Imee na naroon din pala ang pinsan nito? Sana man lang ay nakapaghanda siya. “Hey, what are you talking about?” anang kaibigan mula sa kabilang linya. “Nandito ang pinsan mo. Marc Marque—” “What?!” malakas nitong sabi kaya napilitan siyang bahagyang ilayo ang telepono sa tainga. “Nand’yan si Marc Hades? Are you kidding me?!” Hmm. Mukhang wala naman talagang alam… “Nandito siya, Imee,” aniya na sa lalaki nakatingin. Oh, God. He’s a god. “Promise, hindi ko alam na nand’yan siya. Pakausap nga ako.” Iniabot ni Neriza kay Marc ang cell phone. Kinuha naman nito iyon at nakipag-usap. “…the other day…” Nakapamaywang ang lalaki, kunot ang noo. “I want to stay under the radar, that’s why… Confio en ti! Imee, por que—” Hindi na naunawaan ni Neriza kung ano ang sinasabi ni Marc dahil bukod sa Spanish na ang ginamit na lengguwahe, hayun at pinagmamasdan na naman niya ito. Maganda ang pangangatawan ng lalaki. Hindi iyon maitago ng suot na puting T-shirt. Bagaman hindi naman gaanong mamasel, batid niyang may mine-maintain na timbang ang mga rider na tulad nito. Maputi rin si Marc. Kapansin-pansin din ang ilang freckles sa mukha at ilong dala ng pagkakaroon ng Latin blood. He had this undeniable confidence na lalong nagpapalutang sa karisma. Yes, aaminin ni Neriza na sexually attracted siya sa lalaki. Hindi iilang beses na ito ang naging batayan niya sa mga hero ng kanyang nobela. Hindi rin iilang beses na in-imagine niya ang sarili na kasama ito sa mga intimate na eksena. Hell, if he only knew her little secrets. Dirty little secrets, or were they kinky secrets? Yes, they were kinky little secrets. Bahagya siyang napangiti sa huling naisip. Who could blame her? She was aware of her sensuality, she had an active imagination, she was a fan of male virility, and she knew what she wanted. “I don’t want anybody else here,” mariing sabi ni Marc na kumuha sa kanyang atensiyon. Kunot ang noo nito, halatang aburido. “Look, Imee. I don’t care if—” Inagaw ni Neriza ang telepono. “You will let me stay here. Or at least, share this place with me.” Please. Please let me stay. This is a once-in-a-lifetime experience at hindi ko ito mapapalampas. Wala kang alam, Marc. Wala kang alam sa mga nararating ng pantasya ko kasama ka. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng lalaki na nakakunot ang noo at nakatiim ang mga labi. Nakaka-intimidate ang hitsura nito. “That was rude,” ani Marc patungkol sa pag-agaw niya ng telepono gayong nakikipag-usap pa ito. “Mas rude na ipagtabuyan mo ako,” nakairap niyang tugon. “Well, this is my family’s place. At nauna ako sa `yo. Now, you go ahead and leave.” No way! Kunwari ay pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Look. Kung ipinaalam mo lang ang presensiya mo, na nandito ka pala, hindi sana ipapahiram ni Imee ang lugar na ito. Ilang oras akong nagmaneho, pagod ako at gusto ko nang magpahinga. Ngayon, kung ayaw mong may ka-share sa lugar na ito, ikaw na lang ang umalis,” nakangisi niyang hamon. His lips parted in disbelief. Mga labing gustong-gustong tikman ni Neriza sa sandaling iyon. Hell. Abot-kamay na niya ang lalaki at hindi niya palalampasin ang sandali. “Woman—” “Trust me, walang problema sa akin kung ‘woman’ ako at ‘man’ ka at magsasama tayo sa ilalim ng iisang bubong. I’m not really conservative.” Gusto niyang mapabunghalit ng tawa sa ekspresyon ng lalaki. Mukha itong asar na asar na. May naisip siyang taktika. “Okay sige, bahala ka. Aalis na ako. Bahala na kung mapahamak ako sa daan o ano. Pero kapag buhay akong nakarating sa Maynila, humanda ka dahil sasabihin ko sa media na nandito ka. Tingnan ko lang kung magkaroon ka pa ng katahimikan.” “You can’t do that!” protesta ni Marc, nanlalaki ang mga mata. Ngumisi si Neriza. Naiintindihan nito ang mahabang Tagalog niya. Great. Hindi nga nagsisinungaling si Imee. Ayon sa kaibigan ay fluent din daw managalog ang pamilya ng lalaki dahil sa inang Filipina. Bukod pa na sa Pilipinas din nagkaisip si Marc bago mag-migrate ang mga ito. Iyon nga lang, may accent ang pananalita nito. Umakto siyang kinukuha na ang kanyang bagahe para umalis na. “Stay under the radar, huh? Tingnan natin. Baka pati Spanish media at mga sports media ng karatig-bansa ay magsisuguran dito. Tingnan lang natin kung ano-ano ang magiging headlines tungkol sa pananatili mo rito…” Napalunok si Neriza nang hawakan ni Marc ang kanyang braso. Ang tila kuryenteng init na nagmumula sa palad nito at nanulay sa kanyang balat ay nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. At gumigising sa kanyang dugo. “Okay. Okay, you win!”     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD