Desaree Alinea's View Naranasan mo na bang hindi makatulog ng madaling-araw kakaisip sa isang tao? Paulit-ulit na tumutugtog ang Shape of You ni Ed Sheeran sa utak ko at pagod na pagod na siya sa kakakanta, pero hindi pa rin ako nakakatulog. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang husky voice ni Sire habang kinakanta ang chorus sa tenga ko. Hindi gano'n kaganda ang boses niya pero sapat na para hindi ako patulugin. Ano ang gusto niyang ipahiwatig? That he's in love with my body or… me? Pero posible ba 'yun? Ilang buwan pa lang mula nang makita niya ako at isang linggo mahigit pa lang mula nang kulitin niya ako. Posible nga ba talagang mahulog ka sa isang tao sa ganoon kaiksing oras? Maybe he's bluffing. Maybe it's his another way to get me to finally sleep with him to 'heal' me. Yes,

