Desaree Alinea's View "Ano'ng trabaho mo? Hindi porke't guwapo ka at mayaman ay ibibigay ko na lang ang anak ko sa'yo ng gano'n-gano'n na lang." nakakatakot na tanong ni Papa sa kinakabahang si Sire. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa harap ng mga magulang ko habang ginigisa kami. Bakit? Dahil nakita lang naman nila ang resulta ng katakawan ko sa chocolate. A few hours earlier… Pagkahatid sa akin ni Sire pagkagaling sa sementeryo ay doon na ako nagwala sa kwarto ko. Halos maalog na lahat ng brain cells ko sa ulo dahil sa pag-untog ko sa unan. "Tanga. Tanga-tanga mo, Desaree! Kain ka kasi nang kasi ng kung ano-ano!" pangaral ko sa sarili ko sabay impit na tili. Pinilit ko lang magpaka-normal sa harapan ni Sire, pero ang totoo ay halos lumubog na ako sa lupa sa labis na kahihiya

