Dhaira
“Siraulo ka!!! Manloloko kang hayop ka!!!!” Mabilis lumipad ang kamao ko sa muka ni Kian ng mahuli ko itong May kahalikan.
“Arayyy!!! Dhaira!! Ano ba!!” Angil nito.
“Anong ano ba!! Lakas ng loob mong mag tanong eh huling Huli kana!! Manloloko!!! Baboy niyo!!! Pag bubuhulin ko kayong dalawa!!!” Galit na galit Kong sigaw sakanila.
“Yan!!! Yan ang hirap saiyo Dhaira.. mas astig kapa saakin mas lalaki kapang kumilos saakin. Wala kang ka pino pino sa katawan kababae mong tao” napa buga ito ng hangin habang hawak hawak ang panga niya na sinuntok ko.
“So dahil lang don lolokohin mo ako!! Bakit Hindi mo na lang ako dineretso na ayaw mo na!!!” Nagulat ako ng bigla itong sumigaw
“Dahil sa putang inang utang na loob ng mga magulang ko sa magulang mo!!! Pero Hindi ko na kaya ayoko na Dhaira!! Pati mga kaibigan ko akala bakla ako at pumatol ako sa tomboy!!!” Nagsimulang mag laglagan ang mga luha ko pero mabilis ko iyong pinunasan.
“Tang ina Kian.. apat na taon mo akong nilinlang ang akala ko tanggap mo Kung ano ako yun pala nag papanggap kalang dahil sa putang inang utang na loob na yan!!! So sa apat na taon na yun you never love me Kian?!” Naiinis ako sa sarili ko kasi nakuha ko pa din yun itanong sakanya na para bang namamalimos ako ng pag ibig dahil ako mahal na mahal ko siya. Mas lalo lang akong nakaramdam ng galit sakanya ng Hindi ito sumagot at yumuko lang. Tumango tango ako at napa ngiti ng pilit.
“Galing mo!!! Galing mong mag panggap sobra!!!” Sabay palakpak ko
“Ano bang kinagagalit mo para namang sa apat na taon na yun may napala ako saiyo eh kahit nga laplapan Hindi natin nagawa!! Puro halik sa pisngi yakap smack sa lips.. para ka ngang Diring diri saakin sinong gaganahan mahalin ka?!” Walang sabi sabing sinuntok ko ito sa bibig. “Talagang nakakadiri ka Kung yan ang basehan mo para mahalin mo ang isang babae!! Magsama sama kayong mga baboy!!” Sabay takbo kong palayo.
Walang tigil ang pag buhos ng luha ko habang nakaharap ako sa salamin sa aking bathroom.
“Bakit ba ang laki ng problema ng mga tao sa itsura ko. Anong masama kung dito ako kumportable sa over size shirt at pants. Anong masama sa laging naka ponytail ang buhok. Tomboy na ba agad yun.” Kausap ko sa sarili ko. Hinubad ko ang aking Salamin at Pinunasan ko ang aking luha. Madalas akong tamarin na isuot ang contact lens ko kaya itong makapal kong salamin lagi ang suot ko. Lumaki din ako na ang kalaro ay ang mga lalaki kong pinsan dahil malaki ang agwat ng edad namin ng ate ko kaya siguro ganito ako kumilos lagi nila akong sinasabihan na Huwag akong aasa sa mga lalaki para maipagtanggol ang sarili ko. Napangiti ako ng maalala kong tama nga ang mga pinsan ko dahil naalala ko kung paano kami unang nag kita ni Apollo ang aking best friend.
(Flash back)
“Hoy anong ginagawa niyo diyan!” Nakita ko Kung papaano nila pag Susuntukin at sipain ang isang batang lalaki sa likod ng elementary school namin.
“Bakit May problema ka gusto mo ikaw ang suntukin namin” lumapit saakin ang isang batang lalaki at tinulak ako kaya napa upo ako sa lupa. “Tinuturuan lang namin itong baklang to na Huwag pumasok sa CR ng mga lalaki” Sagot ng isang bata.
“Bakla? Ang gwapo namang bakla non” sigaw ng utak ko. Tumayo ako at tinulak ko din ang lalaki at pinag hahampas ko ng bag ko hanggang sa nakita kami ng guard sa school. Tinulungan kong tumayo ang batang lalaking nakahiga pa din sa lupa.
“Tayo na!!bakit ba pinabubugbog mo yang gwapo mong muka” tumayo ito at pinulot ang bag niya. “Ang gwapo mo pero bakla ka daw totoo ba? Sayang naman” nakita kong namula ang pisngi nito ang cute niya sobra. “Dhaira” pakilala ko Sabay abot ng kamay ko. “Apollo” nakipag shake hands naman ito. Simula non naging mabuti kaming mag kaibigan kung anong kina siga ko siya naman kina hinhin nito. Pero after grade 6 umuwi na ito sa Amerika at doon nag patuloy ng pag aaral. I was so broken hearted kasi siya lang ang matalik kong kaibigan. Nag patuloy naman ang communication namin through social media and emails. Lagi namin ina update ang isat isa about sa aming buhay.
(Present)
Naisipan kong tawagan si Apollo para makapag labas ng sama ng loob.
“My god COCO ang aga aga mo namang natawag” reklamo nito pero ng makita ang maga kong mata ay agad itong Napatayo sa kama.
“Is everything ok napano ka? Let me guess yung gago mong boyfriend noh?!” He really knows me kahit matagal na kaming Hindi nag kikita in person siya pA din ang mas nakakakilala saakin. “He cheated on me Apollo” umiiyak kong sumbong.
“Ay sa wakas na huli mo din” Sagot nito. “Anong ibig mong sabihin.. alam mo bang niloloko ako ni Kian?” Masungit kong tanong.
“Ofcourse not!! Pero sa hilatsa ng muka ng boyfriend mo mukang manloloko talaga.. I never felt that he loved you just by looking at your photos together” ouch sakit non ha ako lang pala ang bulag.
“Grabe siya oh porket happy ang love life mo noh!!” He’s Bi-s****l he admitted it to me two years ago na he is attracted to both women and men. And I’m ok with it and everyone should be ok with it walang judgement. But unfortunately his family doesn’t know. Kilala kaya ang mga Cervantes na puro play boy. Lalo na yung pinsan niyang si Theo.. Mayabang na babaero pa. Kaya takot na takot itong malaman ng pamilya niya na may boyfriend siya Ngayon.
“Eh ikaw ba hangang kailan mo itatago yang boyfriend mo?” Napangiti ito ng nakakaloko. Gustong gusto ko ang mga ngiti niya lalo siyang pumopogi.
“Huwag mong ibahin ang usapan CoCo.. ikaw ang topic dito” nag lakad ito patungo sa bathroom niya. Naka boxer shorts lang ito kaya kitang kita mo ang napaka gandang katawan nito.
“Kung kasi sanang tayo na lang Eh..” biro ko dito. Nakita kong naibuga nito ang toothpaste habang nag tu toothbrush ito.
“Wow Diring diri ha!!! Porket ba yummy ka!!.. pag ako nag bihis babae baka ma in love ka saakin.” Hindi na ako Naiilang kay Apollo dahil feeling ko walang chance na mag kagusto siya saakin pero ako crush na crush ko talaga siya. “Ano ka ba CoCo kahit na Hindi ka mag bihis babae sobrang Ganda mo kaya.. bulag lang ang Hindi nakaka kita ng Ganda mo” sa Tuwing pinupuri niya ako Hindi ko maiwasan kiligin crush ko nga kasi at hopia ako na mag ka gusto din siya saakin.
“Thank you bestie ha.. ikaw lang talaga ang nakakapag pagaan ng loob ko” nagulat ako kasabay ng pag laki ng mga mata ko ng mag hubad ito ng boxer short upang mag shower. “Apollo!!! Kadiri ka talaga!! Ang haba ất laki niyan shiocks!!! I vivideo kita mag kaka scandal ka!!” Banta ko pero Hindi man Lang natinag. Sumayaw sayaw pa nga ang Siraulo. I click end call dahil nag iinit ang katawan ko sakanya. I smiled after I talked to him. Mayamaya lang narinig ko ang phone ko. Si Apollo ulit. “ you are beautiful CoCo always remember that.. you deserved someone better than him I love you” my heart melts he’s really the sweetest friend you can have. Nawala ang mga Ngiti ko ng marinig ko ang Katok ng mommy sa room ko. Mabilis akong tumayo at pinag buksan ng Pintuan ang Mommy.
“What happen to you and Kian.. tinawagan ako ng mommy niya Sinapak mo daw at nakipag break kapa?” Galit na tanong ni Mommy. “Did you even asked your friend Bakit ko sinapak anak niya?” Inis kong tanong lagi nalang kasi silang naka side kay Kian. “Bakit nga ba Dhaira? Lagi kana lang ganyan daig mo pa ang lalaki” sermon nito. “I caught him.. he cheated on me.. kulang pa ang suntok sa ginawa niya saakin for four years nag pA loko lang pala ako sakanya” nagbuntung hininga ang mommy at lumakad palapit saakin. “Maybe you’re not doing your part as a good girlfriend kaya hinahanap sa iba?” Napa iling ako I can’t believe what she just said. “Nanay ko ba talaga kayo? That’s unbelievable.. ako nanaman ang may Mali? Hindi yan ang expect kong sasabihin mo mom..” lumapit ito saakin at hinawakan ang aking kamay. “Don’t get me wrong iha.. ang gusto ko lang ay makapag asawa ka.. lahat ng magulang gustong lumagay sa tahimik ang kanilang anak bago sila mamatay yun lang anak. I’m sorry that he cheated on you you don’t deserve it but anak it takes two to tango.. what I’m trying to say is work on your imperfections too para yung mga susunod mong relationship ay much better Ok? I love you baby” Sabay labas nito ng kwarto ko.
Kinagabihan May un expected visitor ako. Sarap suntukin ulit sa kapal ng muka kasama pa ang mga magulang niya.
“Ah iha kumadre kumpare nandito kami upang humingi ng patawad sa nagawa ng aming anak kay Dhaira. Pinag sisisihan na ni Kian.. lalaki lang ang aming anak natutukso din pero ikaw talaga mahal niya iha” panimula ng Mommy ni Kian. “Pipi po ba ang anak niyo? Bakit kayo ho ang nag sasalita?” Sarkastiko kong tanong.
“Dhaira!!!” Bawal ng Daddy saakin.
“ Dad Mom Tita Tito.. at ikaw din Kian.. tama na po.. Hindi po ako mahal ni Kian Kung ginagawa niyo lang po ito dahil sa Kung ano mang utang na loob niyo sa magulang ko Huwag na po Hindi po kailangan.. Kian speak up mag paka lalaki ka!! Sabihin mong Hindi mo ako mahal at ginagawa mo lang ito dahil sa Utos ng magulang mo!!” Walang kumibo lahat tahimik. “Kian!!! Sasapakin kita pag Hindi ka nag salita!” Nakita kong nagulat ito sa sinabi ko at tila natakot. “Dhaira.. I want you back I’m sorry sa mga sinabi ko” lumapit ako dito. “Putang ina naman Kian Hindi ka lang pala Manloloko wala ka din palang bayag!!” Hinila ako ng mommy palayo kay Kian. “Dhaira!!! Saan mo natutunan mag salita ng ganyan!!! I’m sorry Kian..” natawa ako ng mag sorry ang mommy.
“Wow sorry talaga mom? Ako anak niyo!! ako ang niloloko niyo dito!! ahhh wait pati pala mga sarili niyo!! But I’m sorry hindi na ako papayag na lokohin pA ng lalaking yan!!” Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng marinig kong mag salita ang Daddy.
“Kung Hindi ka mag kaka boyfriend in a month you will take Kian back whether you like it or not” napalingon ako. “May boyfriend man o Wala in a month I will never ever let that cheater back in my life” pag mamatigas ko. “Huwag mo akong subukan Dhaira Coreen!! You know what I can do” alam ko ang ibig niyang sabihin. He will cut my allowance and he will make sure hindi ako makakahanap ng work para maituloy ko ang pag tulong sa pamilya ni Yaya Denang. Inako ko kasi ang pag papa gamot sa asawa nito na na stroke eh yung sweldo naman niya saamin napupunta lang sa pag papaaral sa mga anak niya kaya yung allowance ko at kita ko sa part time job ko binibigay ko sakanila. Tinitigan ko ang Daddy at umakyat ako sa aking kwarto at doon ko binuhos ang sama ng loob ko hanggang sa nakatulog ako Kaka iyak.